Chapter 25

17.9K 113 31
                                    

I dedicate this chapter to misisofficer, abie27 and the long legged group. readers sila ng My Personal BODY Guard sa Europe. gayundin sa pinsan ni misisofficer na taga-Spain. hahaha oha-oha! ang bongga. hindi ko inexpect na aabot dun 'tong kalokahan ko! hahahaha hello sainyo! :))))

here's the update. mejo mahaba to.. sorry for the delay..

*****

Chapter 25

Napahinto ako sa pag-iyak ng biglang may lumapit saakin na isang ale..

"iha, okay ka lang? umiiyak ka ba?!" tanong niya saakin na parang worried habang ako'y nakatakip sa aking mga mata ng aking panyo, at tahimik na humihikbi..

hindi ko siya pinansin ngunit sa loob loob ko, gusto ko siyang sagutin ng "ay hindi, hindi. okay ako! okay na okay at di ho ako umiiyak, ngumangawa lang.."

buti na lang talaga sobrang sama ng loob ko ngayon sa dami ng kamalasan na nangyari saakin ngayong araw na ito.. kaya ayun, hindi ko na magawang sagutin pa ng pabalang yung tanong na may obvious namang kasagutan nung ale dito sa park..

sobrang dami kasing nangyari saakin bago pa man ako mapadpad dito sa Quezon City Memorial Circle. hindi ko ineexpect na dito ako mapapadpad pagkaraan kong magplano kagabi na iwanan yung buhay ko bilang isang Pangilinan.

paano kasi ganito yun...

***

FLASHBACK

madaling araw pa lamang, sa ganap na alas tres imedya ng maisipan kong bumangon at maghanda para umalis sa bahay namin. alam ko kasi na sa oras na ito, lahat ng tao sa bahay tulog..

eto yung pagkakataon ko na makalabas sa bahay ng walang nakakahuli saakin maging yung mga bodyguards na binabayaran ni papa para bantayan ako..

dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko habang suot-suot ko ang hood ng jacket ko tapos pasan ko sa likuran ko yung backpack ko saka yung traveller's bag ko na naglalaman ng mga damit ko..

muntik na akong mapasigaw ng may makita akong babaeng naglalakad sa may sala namin na nakaputing damit na mahaba.

halos tumayo yung balahibo ko sa takot.. papalapit siya sa direksyon ko..

sa sobrang takot, umurong ang dila ko para sana makasigaw.. walang lumalabas sa bibig ko kahit pa gustong gusto ko nang sumigaw at humingi ng tulong.

tila mahihimatay na ako sa takot..

paakyat siya sa hagdanan namin..

SHEEZ!!!!!

GRABE!!!!

naglalakad na siya papalapit saakin. agad naman akong nagtago.. nagtago ako sa part na madilim..

eeeeeeeeeeeeehhhh! creeepy!!!!!!!!

gusto kong tumili ng sobrang tinis kaso nanginginig na yung dalawa kong binti sa takot, balak ko na sanang bumalik sa kwarto ko at huwag ng ituloy pa ang pag-alis kaso...

maling akala ko dahil si mama lang pala yun na may facial cream na nakalagay sa mukha kaya mukhang nakakatakot..

pabalik na siya sa kwarto nila ni papa kaya papaakyat siya sa hagdanan.

thank God, nakapagtago ako.. thank God hindi siya yung inakala kong kung ano nang umaaligid na kaluluwa dito sa bahay namin..

grabe lang talaga! ang akala ko white lady yun na ewan. kasi naman f*cked hair yung ayos ng buhok ni mama..

noong nakapasok na si mama sa kwarto nila ni papa, ay siyang dahan dahan ko namang pagbaba sa hagdanan. ingat na ingat ako sa bawat kilos ko lalo na sa bawat pagyabag ng mga paa ko sa baitang ng hagdanan..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon