Chapter 30B

12.5K 88 13
                                    

sa mga nakabasa ng Chapter 30 na inupload ko last time, SORRY!!! kasalanan ko. hindi ko alam na putol pala kasi hindi ko na binasa at hindi ko chineck yung inupload ko kasi madaling araw na nun saka inaantok nako. salamat kay akoposisungit dahil nainform niya ako na putol. mobile lang kasi gamit ko non kaya tuloy bitin. it's my fault. tinuloy ko nalang as new part para manotify kayo kasi pag dinugtong ko dun sa last UD baka hindi na mabasa nung ibang readers. ayun. SORRY PO TALAGA! kasalanan ko. hehehe. PIS PO TAYO! :)

basta lagi niyong tatandaan na kada end ng UD ko naglalagay ako ng signature na neodge. kaya kung wala kayong nababasang neodge or to be continued ibig sabihin non putol. ayun salamat!

lapit na pala kami mag one year ni watty. papakanton ako! HAHAHA jk!

****

nagsimula ang araw namin ng maganda. sabay kaming kumain ng almusal. akala ko magiging awkward kami sa isa't isa sa kabila ng mga nangyari pero hindi naman pala. si Gabriel mismo yung gumagawa ng paraan para hindi kami maging awkward sa isa't isa. sobrang sweet niya saakin, sobrang gentleman. hindi ko alam kung bakit ganito siya saakin eh in the first place wala naman kaming relasyon.

buong araw kaming nakatambay ni Gabriel sa condominium niya. oo may sarili siyang condo, nagulat din ako dahil 2 rooms lang yung distance nung condo niya sa condo ko "dati". matagal na rin kasi akong hindi nakatira sa condo na 'to kaya hindi ko na kilala yung mga bagong lipat sa floor na 'to. kalilipat niya lang pala dito eh.

well, nagkwento rin ako sa kanya since wala na akong maisip pa na gawin namin. napansin ko rin kasi na kanina niya pa sinusubukang aliwin ako so naisip ko na turn ko naman siguro di ba? gusto ko rin kasi yung ganitong moment, tipong lahat gagawin mo wag lang mahinto yung pag-uusap niyo nung taong nakakagiliwan mo. ngayon lang ulit ako nagkaron ng ganitong quality moment sa isang taong masasabi kong parte na rin ng buhay ko dahil buong buo kong isinuko sa kanya ang pagkababae ko, iba si Gabriel eh. parang yung loob ko unti-unti ng nahuhulog sa kanya kahit pa iilang araw pa lang kaming magkakilala. hayy ewan!

naikwento ko rin sa kanya na mayroon akong barkada na may kanya-kanyang sayad. natawa naman siya nung naikwento ko sa kanya sila Amy, Trix at Peter. pero hindi ko alam pero bigla siyang naging iritado nung narinig niya yung pangalan ni Monic pero tawa naman siya ng tawa nung kinuwentuhan ko siya ng mga ka-slowan ni Monic. naikwento ko na rin sa kanya na nainlove ako sa isang lalaki na namatay ng dahil sa pagmamahal saakin, hindi ko ikinuwento ng detalyado dahil masyadong masakit at hindi ko kaya na ikwento lahat. naiyak pa nga ako nung kinukwento ko sa kanya kasi sobrang pait talaga nung ala-ala na yun. 

tahimik lang na pinakikinggan ni Gabriel yung mga kwento ko. tatawa tawa lang siya, minsan naman ngingiti na parang ewan, minsan naman bigla-bigla niya akong kikilitiin tapos yayakapin. hayy ewan! ang lakas mang distract nung lalaking 'to! gusto eh lagi siyang napapansin, lahat na lang ginagawa mapansin lang siya. pero hindi naman ako naaasar kasi nafifeel ko na I'm being valued. I'm being cared about. and masasabi ko na rin that I'm being loved.

"uy, may joke ako!" sabi niya bigla habang nakahiga kami sa kama niya at pareho kaming nakatingin sa ceiling.

"oh ano yun?"

"sino ang pinakamalakas na bagyo?"

"edi si Ondoy!! sus korni" pinisil ko ng mariin yung pisngi niya

"araayyY!!!! ang sakit non!"

"sige kikiss ko na para di na masakit.." kiniss ko yung pisngi niya tapos nakita ko siyang namula.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon