Chapter 34

5.2K 57 6
                                    

Isa lang ang masisigurado ko sa chapter na ‘to.. Pag natapos niyo itong basahin, isang tanong ang mamumuo sa inyong mga isipan. HAHAHA choss lang!

 

 

Chapter 34

***

"Saan kaya ako uuwi?" napatanong ako sa sarili ko nung nakalabas na ako ng gate ng school bandang 7:30pm. Naglakad lakad ako, nag-iisip kung saan ako matutulog. hindi ko kasi alam, kung sa condo, ayoko dun, nandun yung pikon mag-aaway lang kami. Kung kila nanay Lucy naman, nakakahiya naman kay pikon, sabihin pa nun pumunta ko dun para isumbong siya sa nanay niya.

eh kung sa village kaya namin? *beep beep* biglang may humintong kotse sa tapat ko tapos bumukas yung bintana at sumulpot ang isang babaeng walang mukha..

"Huy!"

"ay putik na mukha yan!" gulat na gulat ako nung nakita ko siya.

"hoy grabe ka! pasalamat ka kahit nagpapafacial ako pinuntahan kita dito nung nalaman ko na palabas ka na ng school" ah, so sinadya nya pala talaga kong daanan dito. at kanino naman niya nalaman na palabas na ako ng school?

"oh oh, diko gusto yung pananahimik mo na yan. wag mo ng alamin kung kanino ko nalaman, sa ngayon, sumakay ka na muna sa kotse ko, samahan mo ko magpafacial girl"

"kdot. kcomma."

"pwe, last mo na yan!" sumakay na ako sa kotse ni Monic. Hindi ko na tinanong kung sinong espiya ang nagsabi sa kanya na palabas na ako ng school, hindi ko rin naman ikahahanap ng mauuwian yun pag nalaman ko e.

At tulad nga ng sinabi ni Monic, sinamahan ko siyang ituloy yung pagpapafacial niya, syempre pati ako nagpafacial na rin. Syempre, libre niya. Kahit paano, nakalimutan ko yung mga nangyari kanina.

"Monic, di ko alam kung saan ako uuwi" sabi ko kay Monic bago niya paandarin yung kotse niya, pauwi na kasi kami.

 "Gusto mo sa bahay ka na muna?" pag-aalok niya habang nagdadrive pauwi. "Di mo manlang ba itatanong kung bakit? kailangan alok kaagad ng bahay niyo?" nagtataka kong tanong sa kanya, kasi di ba, alam naman niya na kila Gabriel ako nakikitulog? di nya man lang ba tatanungin kung bakit biglang diko alam kung saan ako uuwi?

"Why do I need to ask, logic lang naman yan, you don't know where to go so ibig sabihin lang nun, something happened between you and Gabriel kasi kung wala namang nangyari, di mo naman poproblemahin ang pag-uwi mo. right?" nakakamangha. si Monic ba talaga ang kausap ko or ibang tao?

"Wow girl! Wow! ibang-iba ka na" pumapalakpak kong sagot sa kanya

"Oh bat manghang-mangha ka? anong nakakamangha don? alam mo girl, hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan itanong, dahil minsan magugulat ka na lang, sinasampal na pala sa'yo yung kasagutan sa mga tanong mo pero nagbubulag-bulagan ka and the worst, nagtatanga-tangahan ka pa" natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero tama siya, kailangan ko pa bang itanong kung mahal ako ni Gabriel kung narinig na ng dalawang tenga ko na pinaglalaruan niya lang ako?

"Oh bat natahimik ka? tama ako noh? Anyway, Girl, ano ba kasing nangyari?" I shrugged. "Hindi ko alam, hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako." nakakaewan kong sagot kay Monic

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon