Chapter 29

17K 132 41
                                    

Dedicated kay Patricia at sa lahat ng mga nagbabasa ng My Personal BODY Guard hanggang ngayon kahit na sobrang tagal na nitong ongoing! Hahaha labyooooooooooo guys!! <33333

*****

Chapter 29

"Deniella!! hindi ka pa ba tapos jan?" pshh! ayan na naman po itong magaling na atat na lalaking 'to! minamadali na naman akong gumayak..

"hindi naman halatang excited ka noh? anjan na.. wait lang!"

"sige sige. antayin kita sa baba ahh.." sus! ayan na naman yung antayin sa baba na yan tapos magugulat na naman ako nandito na siya sa may pinto tapos maglalapat na naman yung labi namin tapos didiretso na kami sa kama tapos ano. hahaha joke lang!

nilulumot lang yung utak ko. hehe. kasi si Gabriel eh! ang daming pakulo, ang daming pabitin, ang daming pang-asar na alam, at ang dami ring kasweetan sa buhay! hayyyy jusko!

well, actually naeexcite ako kung saan niya ako dadalin ngayong araw, excited ako kung saan kami pupunta at kung ano yung gagawin namin don. saka ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng excitement sa buhay ko simula nung nawala si Joshua. malungkot man na wala na siya, masaya naman kasi hindi ko akalain na may Gabriel na nanjan para kahit paano eh nagbibigay ng saya saakin kaya tuloy hindi na ako masyadong apektado ng nakaraan ko.

habang nananalamin ako, napansin ko yung picture frame ni Gabriel sa may bedside table, lumapit ako sa gawi na yun tapos hinawakan ko yung picture frame saka ako umupo sa kama at pinagmasdan yung mukha niya sa larawan, particularly yung maamong ngiti niya.

gwapo si Gabriel. gwapo pala talaga siya. base sa larawang hawak ko.. halatang ang saya saya niya. at ang ikli pa ng buhok niya kumpara sa buhok niya ngayon na halos hanggang balikat na niya.

bakit nga ba hindi siya magpagupit? mas gwapo pa naman siya kapag maikli yung buhok niya katulad ng buhok nina Coco Martin, Jericho Rosales, Xian Lim o kaya yung kagaya nung kay Daniel Padilla? >////< eeeh!

ayyy nako! tanungin ko na lang siya mama-----

"Deniella, matagal pa ba???" nakupo! ayan na nga. sumisigaw na naman po si lolo Gabriel sa ibaba! napatayo ako mula sa masarap na pagkakaupo sa kama at agad kong ibinalik yung picture frame sa may bedside table tapos muli akong humarap sa salamin saka agad lumabas ng kwarto at nagmadaling bumaba sa hagdan.

hinanap ko si Gabriel sa kusina, sa living room at kung saan saan sa ibaba pero wala siya.. sinubukan ko siyang hanapin sa may garahe. at BOOM! andun nga siya.. nadatnan ko siyang may kausap sa cellphone niya habang nakasideview siya mula sa main door ng bahay kung saan ako nakatayo ngayon. napatingin tuloy ako sa hawak kong cellphone na surpresa niyang ibinigay kanina. parehas pala kami ng phone eh.. >////<

habang may kausap siya pinagmasdan ko yung buong katawan niya. ayun, maayos naman, makisig yung pagkakahulma ng katawan niya mahahalata mong laki sa gym 'tong lalaking 'to. napansin ko rin yung suot niya. nakafitted pants siya na light brown then naka white shirt siya tapos black leather jacket.

masasabi ko na magaling pumorma si Gabriel saka mas lalo siyang gumwapo base sa pagkakadala niya sa damit niya kahit na t-shirt lang yung suot niya na pinatungan ng jacket, parang ang lakas na ng dating niya. magaling rin siyang pumili ng damit para sa babae, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko yung napili niya saakin na dress kahapon which is suot ko naman ngayon tapos tinernuhan ko ng flatshoes na binili rin niya para saakin.

My Personal &quot;BODY&quot; Guard by spunchbobWhere stories live. Discover now