Chapter 26B

16.7K 114 24
                                    

 Dedicated kay thegreatme. Hello mommy ko! :*

 

*****

Chapter 26B

“halika na Deniella sa kusina. Papakainin ko na kayo..” ang tinutukoy ni Nay Lucy ay si Deniella at ang inaakalang laman ng tiyan ng dalaga.

niyayaya na ni Nay Lucy ang dalaga papunta sa kanilang kusina dahil naalala niya nga pala yung kalagayan nito.

masyadong marami rin kasi ang isinuka niya kanina sa may park kaya nakatitiyak ang matanda na walang kalaman-laman ang tiyan ni Deniella, kumbaga, naisip ng matanda na masama sa kalagayan ng dalaga ang nagpapalipas ng pagkain dahil nga sa pag-aakalang nagdadalang-tao ito.

"eh 'nay, tapos na po akong kumain eh. kaya yung bisita na lang yung papakainin niyo.." sinasadyang diinan ni Gabriel yung salitang "bisita" para lalong asarin ang dalaga..

"Gabriel, sino ba nagsabing ikaw ang tinutukoy ko sa "kayo"?! hindi naman talaga ikaw yun eh, kasi ang tinutukoy ko eh si Deniella at saka----" hindi pa man natatapos si Nay Lucy sa kanyang sinasabi ng biglang magreact si Gabriel

"eh kung hindi ako, sino pa yung tinutukoy niyo sa kayo?! tatlo lang naman tayo dito sa bahay. 'nay, wag niyong sabihing...." pambibiting sabi ni Gabriel.

tahimik lang na nagtataka si Deniella, dahil inaakala niyang si Gabriel rin at siya yung tinutukoy ni Nay Lucy sa salitang kayo, maliban don wala na siyang maisip na dapat tukuyin ng matanda dahil tatlo nga lang naman sila na nandun sa bahay.

"ano bang iniisip mo ha, Gabriel?!" nagtatakang tanong ni Nay Lucy sa kanyang anak na tila nag-iisip ng malalim at napansin nito na medyo nagtatayuan ang balahibo ng kanyang anak ng mapatingin siya sa kanyang kaliwang braso kung saan may ilang marka ng pasa at gasgas.

"may multo?!" biglang sabay at kinakabahang sagot nina Deniella at Gabriel na siyang ikinatuwa naman ni Nay Lucy. hindi alam nina Deniella at Gabriel na pareho lang pala sila ng iniisip tungkol sa kung sino yung tinutukoy ni Nay Lucy sa salitang "kayo". natatakot sila dahil mukhang maliban sa kanilang dalawa ay may nakikita pang ibang tao sa loob ng sala ang matanda na kung saan si Nay Lucy lamang ang nakakakita rito.

napansin rin nilang dalawa na tulala si Nay Lucy kanina habang nag-aasaran sila at ngumingiti itong mag-isa. doon pa lang, mas lalong napagtibay na ng isip nila na may iba pa silang kasama sa kanilang sala na tanging si Nay Lucy lang ang nakararamdam at nakakakita.

halos tumayo ang mga balahibo ni Deniella sa kanyang mga braso at binti. natatakot siya na baka katabi niya yung ano....

yung ano..          

kasi kanina nakatingin sa kanya ng malalim si nay Lucy.

nanatiling tulala si Deniella mula sa kanyang pagkakaupo, gayundin ang kaninang nang-aasar na si Gabriel habang unti-unti namang nawala sa kanilang harapan ang matanda..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon