Chapter 23

17.6K 89 32
                                    

Chapter 23

*pak!!!*

sinampal ko yung lalaking bumuga saakin ng sandamakmak na usok mula sa sigarilyo. sakto pa talaga sa mukha ko, at sakto pa talaga sa pagdaan ko..

"sh*t! nagsorry na nga, nanampal ka pa.." nagreact yung lalaki habang inapakan niya yung yosi niya at tumingin saakin na tila mainit yung ulo niya..

tinitigan niya ako sa mga mata ko, habang ako naman ay tila naninigas sa mga titig niya. galit siya. halata sa mukha niya..

kumurap-kurap ako at ibinaling sa kabilang direksyon ang mata ko, nainis ako sa way ng pagsagot niya.. kala mong siga!

"hoy mister! kapal din naman ng mukha mo!! ikaw na nga tong bumuga ng usok sakin, ikaw pa 'tong galit" galit kong tugon sa kanya..

napatingin ako sa mukha niya, at masasabi kong may itsura siya, yung hubog ng katawan niya maganda, may katangkaran. sa pananamit niya, mukhang may pagka-badboy siya, may earring siya sa tenga. there are lot of ways to describe his look.

hindi ko alam kung good looking ba siya, or yung opposite nun. honestly, he looks like a thug! para siyang adik pero may itsura siya!

"bakit miss, wala ba akong karapatang magalit? sinampal mo ko!! at malakas pa yung pagkakasampal mo!! ano bang malay ko na dadaan ka jan.. tss!"

pero wait----- pamilyar saakin yung boses niya.. hindi ko alam kung nagkita na ba kami or what.. nanatili lang akong nakatingin sa kanya..

"----"

"hoy miss, kinakausap kita!" hinawakan niya ako sa braso ko tapos isinuklay niya sa buhok niya yung kanang kamay niya..

OH MY GOD!!! natulala pala ako kakatingin sa kanya.. sheeez!!! ano ba tong nangyayari saakin! parang ang bilis magbago ng mood ko. ang weird weird ko! kanina I'm crying, I'm missing Joshua pero ngayon ano ako?! nganga! nganga sa isang lalaking nasampal ko dahil sa binugahan niya ako ng usok ng sigarilyo, at  ngayon eto ako, natulala sa kanya..

"ahh-ehh. okay." sabi ko sa kanya habang nakagat ko yung labi ko..

*humangin ng malakas*

kitang kita ko kung paano naging slow motion lahat ng nasa paligid ko at tila sa kanya lang umiikot ang mundo ko habang humahangin ng malakas at isinuklay niyang muli ang kanang kamay niya sa ulo niya..

EMEGED! I hate to say and admit this pero this guy looks so damn hot!

"okay? so ano ganun ganun na lang yun?! okay?! wala lang?! sinampal mo ako miss! at halos bumakat na sa pisngi ko yung kamay mo sa sobrang lakas.." naiinis na sabi niya habang nakahawak pa rin sa braso ko at tila humihigpit yung pagkakahawak niya

pshh. he's overacting!!! damn. para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng maalala kong nakikipag-away nga pala ako sa lalaking pinagpapantasyahan ko..

"mister, huwag kang OA! at pwede ba bitawan mo ako, nasasaktan ako!!" pagbabalik taray ko sa kanya.. habang pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon