Chapter 20A

22.4K 119 57
                                    

si Gabriel ----------------->

Note: Pasensya puro write space write space pa ang style ko dito. eedit ko po ito kapag may time na ako pti na rin yung takbo ng story! :)

CHAPTER 20A

>>>Gabriel's POV

kasama ko ngayon ang pinakamamahal kong si Tory. sino siya?!

isa lang naman siya sa mga nagpapasaya sakin, actually madalas ko nga siyang kasama ehh.. madalas ko rin siyang niyayakap.

palagi niya akong tinutulungan patungo sa daang matuwid..

(a/n: charot! Anong daang matuwid sinasabi mo?! Hahahah LOL)

Hindi niya ako iniiwan at isa siya sa mga nakalalasap ng mga pagsisikap ko sa pagtatrabaho ko kay Brit. oo sinusustentuhan ko siya! bakit naman hindi eh mahal na mahal ko nga siya?! saka buhat nung nakita ko siya, itinatak ko na sa sarili ko na may malaki akong responsibilidad sakanya..

saka kumbaga si Tory yung tipong nagpapawala ng lungkot ko sa tuwing nalulumbay ako..

naisip ko na lang bigla na ibuhos sakanya yung pagmamahal na dapat para sana sa isang tao lang.. kahit pano kasi eh nandahil kay Tory, naiibsan yung lungkot na nararamdaman ko..

yun nga lang minsan, hindi ako natutuwa kapag may ibang nagmamahal kay Tory. hayyyy! naaasar ako!! Sobra!! Lalo na sa tuwing nararamdaman ko yung pagmamahal ni Gassy para kay Tory..

nababadtrip ako ng sobra!! Napapamura nga ako minsan eh. kaso wala talaga akong magawa. hindi ko naman kayang kontrolin yun ehh. saka ganun talaga eh, kaya tinatanggap ko nalang. alam ko naman kasi na pansamantala lang naman yung pagmamahal na yun.. TT____TT

palagi ko nga palang kasama tong si Tory basta may lakad ako, ayon, nanjan lang siya palagi. never akong iniwan niyan, sa tuwing iniiwan ko siya sa tabi, dun lang talaga siya.. takot ko nalang kapag nawala si Tory sa tuwing iniiwan ko siya.

a/n: hmp!! ano ba yan, umpisa palang ng Chapter 20, ang waley mo na GAB!!!! Tory at Gassy ka pang nalalaman.. wushuu! So gay!!!

Hindi ako bakla miss author, halikan pa kita jan eh! :****

a/n: damn. Shut up Gab!!

Okay continue, serious mode na nga.. papunta kasi ako ngayon sa mall kaya kasama ko si Tory. Bibili sana ako ng mga gamit para sa darating na pasukan. Alam ko hindi karaniwang ginagawa ng mga lalaki yung pamimili ng gamit nila lalo na kapag mga school supplies kaso siyett lang kung iaasa ko pa to sa nanay ko kung meron naman akong libreng oras para bumili?!

Saka syempre naman pumapasok ako sa school. Di naman porket nagwowork nako eh hindi na ako mag-aaral, syempre iba pa rin kapag meron kang tinapos. Ano nalang sasabihin sa kin ng magiging future anak ko kung wala man lang akong degree?! Diba?!

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon