Chapter 21

20.4K 98 25
                                    

Chapter 21

>>>Dennise’s POV

 NP: one last cry by Brian Mcknight ----------->>


Panibagong araw na naman, panibagong araw para magmukmok, umiyak, at matakot..

Halos ganito naman palagi yung eksena sa buhay ko eh.. iiyak ako, sisigaw. Halos mapagkamalan na nga akong baliw..

wala akong pakialam kung magsawa sila saakin at kung pagkamalan man nila akong baliw. Buhay ko to. Wala akong pakialam sa kanila.. lalo sa mga magulang ko o kung sino man.. bakit, kelan ba sila naging concern sakin?! May nagbago ba?! Hanggang ngayon naman pera parin ang mahalaga sakanila eh.

“Si Joshua lang naman yung taong nakakaintindi sa akin ehhh *huk*. Yung taong nakakaintindi sa nararamdaman ko, *huk* at yung taong nandiyan kapag kailangan ko..”

Hindi ba ako napapagod?! Lagi nalang bang paulit-ulit yung ginagawa ko?! Hindi ba nauubos yung luha ko?! Hindi niyo naman ako masisisi eh.. nawalan ako, sila ba nawalan?! Diba hindi? kaya hinding hindi nila ako maiintindihan..

iba kasi kapag nagmahal ka, ibang-iba kapag mahal na mahal mo na siya tapos saka ka niya iiwan bigla, iiwan sa hindi tamang panahon, sa di tamang tyempo at di tamang pagkakataon..

masakit.. oo hanggang ngayon masakit. At feeling ko, habang buhay ng nakabaon sa puso ko yung sakit na to..

pero napag-isip isip ko kagabi.. bakit hindi ko subukan mabuhay ulit?! Bakit hindi ko subukang magsimula ulit ng wala si Joshua?! Bakit hindi ko subukang ibalik yung dating ako?! Yung dating Dennise na masaya, palatawa..

Pero hindiii..

Malabo!!!!

At hinding hinding mangyayari yun!

Paano pa ako magiging masaya kung wala na yung taong dahilan ng pagiging masaya ko?! Yung taong nakapagpaparamdam saakin na hindi ako nag-iisa anuman ang mangyari? Yung taong minamahal ko….. hanggang ngayon….. at habang buhay..

T___________T

***

*knock* *knock*

 

“come in.. *huk*” sagot ko dun sa katok sa pinto..

*klik* bumukas yung pinto ng kwarto ko at sumulpot si Jenna.. yung anak nina Manong..

“good morning ma’am Dennise..” nagpahid agad ako ng tissue sa mata at ilong ko..

Umiiyak na naman kasi ako.. lagi nalang niya akong nadadatnan na ganito..

“ano ba Jenna?!! *huk* Hanggang ngayon ba naman?!! *huk* Kelan mo ba itatatak sa utak mo *huk* na huwag akong batiin ng good morning *huk* kung alam mo namang wala ng dahilan para maging maganda ang bawat umaga ko?!! Diba?! You’re such a piece of sh*t!!!!” nasigawan ko na naman siya.. lagi na lang.. namura ko pa siya!

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon