Chapter 33

5K 44 13
                                    

This update is too short. Next na lang ako babawi, medyo nilagyan ko lang ng pambitin yung UD na to. :) Anyway, this UD is dedicated to all those people na sobrang tagal nag-antay. Nakonsensya ako sa comment ni Ate Chona. Hihi XD

**** 

Chapter 33

Pauwi na kami, naglalakad papuntang parking lot. hawak hawak na naman ni Gabriel yung kamay ko habang nakasandal naman sa balikat niya yung ulo ko. Ang weird ng pakiramdam, nagtatalo yung pagmamahal at galit ko sa kanya. Ang hirap timbangin kung sino ang lamang!

oo inaamin ko, tuwing magkasama kami unti-unti ko siyang natututunang mahalin, siguro ngayon ko lang talaga naamin sa sarili ko kasi noon palagi kong tinatanggi sa sarili ko na never. NEVER AKONG MAIINLOVE SA LALAKING KAGAYA NIYA KASI SI JOSHUA LANG TALAGA. saka kung mangyayari man yun, imposible dahil kung mangyayari man, sobrang bilis. pero, kinain ko pala lahat yung sinabi ko.

Pero kasi ang lupet niya eh, ang lakas ng appeal niya, ang lakas niyang gumawa ng surpresa na magpapakilig sa babaeng tulad ko. Alam mo yun, kahit di niya sabihin, nararamdaman ko kung ano yung nararamdaman niya? Hindi man niya sinasabi pero pinaparamdam niya eh, yun yung mahirap na masarap.

Mahirap iwasan na gustuhin ko siya dahil sa mga ginagawa niya para sa akin na nakapagpapasarap ng pakiramdam ko. Yung pakiramdam na safe ako pag kasama ko siya, yung pakiramdam na wala akong kailangan isipin kasi may Gabriel naman na magtatanggol sa akin, yung pakiramdam na ginagawa niya yung mga bagay na magpapakilig sa akin.

Pero ang nakakatawa talaga, palabas lang pala lahat yun. Hindi pala lahat ng pinapakita totoo, minsan kailangan pa palang isampal sa'yo yung mismong mga salita para magising ka na panaginip lang ang lahat, hindi lang pala isang panaginip kundi bangungot. Napakasarap nga sa pakiramdam pero napakasakit namang marinig.

Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi ko siya mahal? kung hindi siya naging mahalaga sa akin? Siguro nga, when you're not being honest with your heart, the pain you feel is the answer.

Ang hirap tuloy mag-isip kung ano ang magiging ending namin ni Gabriel, sino ang pinakamasasaktan sa aming dalawa? ako ba o siya? o ako lang? at kung kaya ko ba talagang mapanindigan yung galit ko? Nakakapraning! Nakakabaliw! Nakakainis! Bakit ba hindi ko makontrol yung nararamdaman ko? Kanina lang sabi ko pa, aarte ako kapag kaharap ko siya at sisiguraduhing parehas kaming masasaktan, pero bakit ganito, parang hindi ko kaya. naguguluhan ako.

"kanina ka pa tahimik jan?" sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na kinakausap na pala ako ni Gabriel.

"huy! *tsup*" nagulat ako nung bigla na lang niya akong hinalikan sa cheeks. "Ano bang PROBLEMA MO?" biglang napataas yung boses ko at humarap ako sa kanya na iritang-irita, bakas sa mukha niya na nagulat siya sa galit na reaksyon ko at sa biglaang pagtataas ko ng boses sa kanya.

"Sorry, tatanungin ko lang naman sana kung bakit bigla kang naging tahimik" paliwanag niya. "Tatanungin? eh hinalikan mo na lang ako bigla, GANUN BA ANG PAGTATANONG?!!" sagot ko sa kanya na medyo may pagtataas pa rin ng boses.

"Kaya nga sorry eh! Sorry nga di ba? hindi pa ba sapat yun? Bat ka sumisigaw? EDI SORRY ULIT! AYAN, AYOS NA BA? p*ta" medyo naiinis niyang sagot at medyo pasigaw na rin habang hinawakan niya ako ng medyo madiin sa magkabilang balikat ko, pikon 'tong lalaking to e, at feeling ko nawala na siya sa mood para pagpasensyahan ako sa inaasta ko ngayon.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon