Chapter 31

7.5K 55 27
                                    

,AN: gusto ko lang ipost to! ;) sana may magbasa pa. Hehe!

************

Chapter 31

From: Gab

BILISAN MO NAMAN!!!!

asdfghjkl--- kailangan talaga itetext pako? kailangan all-caps? at kailangan maraming exclamation point?? pwede namang katukin niya ako sa kwarto ah? tapos saka niya ako biglang bubuhatin pababa hanggang sa makarating kami sa lobby ng condo. nakakaasar!!!!! G R R R!. bossy as ever tong lalaking 'to!!

To: Gab

syet! edi pumasok kang mag-isa mo!!!! tutal di ba, ikaw lang naman may gusto!!!! tss!

hayst! bakit kasi napaka-bossy nung Gabriel na to? parang kahapon lang ang sweet-sweet, ang bait-bait at ang kulit-kulit tapos ngayon ayan na naman siya. sinasaniban ni Taning! masisisi niya ba ako kung bakit ayoko ng pumasok sa Near Western University? LECHE! ayoko naman kasi talagang pumasok don eh kaso walangya tong Gabriel na 'to. sabi niya kapag hindi daw ako sumunod sa kagustuhan niya na pumasok kami sa NWU eh sapilitang ibabalik daw niya ako sa bahay namin. hindi ko raw siya kilalang magalit. hayst! Syempre natakot naman din ako noh, itsura pa nga lang ni Gabriel kapag nagtatampo nakakatakot na eh magalit pa kaya? -____-

From: Gab

sige lang pagbutihan mo yang pag-iinarte mo, kahapon ka pa eh. tss! maiwan ka jan mag-isa mo!! pota!

Nakupo! Ayan na.. nagmumura na siya.. galit na naman siya.. bahala siya!!!! Psh!!!

To: Gab

kdot. pota pala ha? cge bye!

From: Gab

anung bye? dalian mo! bumaba ka na dito sa sala! wag mong pinag-aantay ang gwapo!

To: Gab

weh? saang banda? lumalakas rin pala ang hangin kapag may time noh?

ang moody niya!!! Bakit ba ganun sya? Nakakaasar!!

"halika na.. hmm"

"---hoy!!!!! ano ba!! ibaba mo nga ako!!!" wtf. alam niyo yung nagulat? ako yun eh! yung tipong seryoso akong nakatayo dito sa harap ng salamin habang inis na inis tapos biglang susulpot 'tong Gabriel na to tapos bubuhatin ako na parang bago kaming kasal? Pumalag palag ako habang buhat buhat niya ako pero hindi niya pa rin ako binibitiwan.

"ayoko nga!!! kanina ka pa pala nakagayak diyan ni hindi ka man lang naawa sa gwapong gwapong lalaki na nag-aantay sa'yo sa baba! tss"

"ang kapal mo din noh?"

"syempre gwapo ko talaga eh. pakiss nga!"

"kiss mo mukha mo. oh ayan! hahahahaha!!!!" idinikit ko sa labi niya yung hawak hawak kong lipstick kaya ang tendency eh nagkaroon siya ng lipstick sa labi niya.

"oh masaya ka na niyan?" tanong niya saakin

"oo hahahah ang ganda ganda mo Ga--"

O_____O

hinalikan niya ako bigla..

bakit ganun? bakit iba na naman yung naramdaman ko nung dumikit ang labi niya sa labi ko? bakit iba epekto sa akin ng mga halik niya? parang kahit kelan hindi ako magsasawa sa mga halik niya eh

ibinaba ako ni Gabriel, wala pa rin siyang kaemo-emosyon. Hindi ko na naman maintindihan kung ano yung tumatakbo sa isipan niya. Lagi namang ganun eh. Kahit maloko si Gabriel nahihirapan pa rin akong hulaan kung ano yung magiging mood nya sa bawat ginagawa ko sa kanya. Minsan natatakot ako dahil bigla bigla siyang nagagalit, nagtatampo, tatawa or kung anu-ano pa. Oo, ganyan nga siya kabaliw sa kokonting araw mula nung magkasama kami.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon