Chapter 66(The Past Haunts us Back)

294 2 0
                                    

ENZO's POV

*ding! *dong!

Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay nila Sophia.

Yes. Bumalik ako para balikan rin ang mga ala-ala naming nakalimutan na.

Sabi ng psychiatrist ko, kailangan ko raw balikan ang nakaraan namin para magkaroon na ako ng linaw kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Anna.

Baka daw kasi hindi pa ako nakaka-move on ng tuluyan sa pagkawala ni Sophia at si Anna ang ginagawa kong kapalit.

Sa tingin ko naman ay hindi.

Sa tingin ko ay totoo na ang nararamdaman ko para kay Anna.

Sa tingin ko ay.. . . . .

. .MAHAL KO NA TALAGA SIYA ng higit pa sa pagmamahal ko noon kay Sophia.

*click!*(door opens)

Nagbukas ang pinto at may isang babaeng nakatayo sa harap ng pintuan ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sa akin habang nakahawak ang kanyang kanang kamay sa doorknob.


"Yes mom! I already answered the door!" sigaw niya sa kung sino mang kasama niya sa bahay.

Pamilyar sakin ang boses niya.

Unti-unti niyang iniharap ang kanyang katawan at mukha sa direksyon ko, ngunit laking gulat ko ng. .

.

.

.

.
Bumungad sakin ang multo ng nakaraan.. . .

At ang isang panaginip na paulit-ulit kong hiniling na mangyari noong hinog pa ang mga sugat ng kanyang pagkawala.


Nasa harapan ko ngayon si. .

.

.

.

.
"SOPHIA?"

Mahina kong tanong dahil ni minsan ay hindi ko naisip na tatawagin ko ulit ang pangalan na iyon.

"E-ENZO??" Tanong niya rin at halatang nagulat siya sa pagdating ko.

Ngunit sa tingin ko ay ako ang mas nagulat sa aming dalawa

Hindi ko namalayan kung ilang segundo, o minuto akong nakatayo lang sa kung nasaan ako habang pinagmamasdan ko ang babeng nasa harapan ko ngayon.

Tinignan ko siya mulo ulo hanggang paa.

Tinitigan ko ang mukha niya.

Ang mukha ng babaeng akala ko ay di ko na makikita pang muli.

Ang babaeng minsan kong minahal ng labis.

Ang babaeng dahilan ng kalugkutan kong labis.

"How??. .What??. . Why are you here??" tanong niya sakin na naging dahilan kaya ako natauhan sa aking pagkatulala.

Is she really asking me that question? How ironic.

"I can't believe this. . . Sophia? Is that. . .really you?Paanong. .?" tanong ko habang patuloy lang akong nakatitig sakanya.

Mukha man akong tanga dahil tinatanong ko ang bagay na ang kasagutan ay nasa harapan ko na, ngunit hindi ko talaga mapagtanto kung paano ko kaharap ngayon ang taong alam kong. .

.

.
matagal ng patay.

Ang taong nakita kong nakakabit sa mga apparatus ng hospital.

Ang taong nasubaybayan ko ang unti-unting pagkawala ng kanyang hininga.

Ang taong mula umaga hanggang gabi kong hawak ang kamay habang paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay huwag siyang kunin ng diyos sa akin.

Ang taong inihatid ko sa kanyang huling hantungan.


At ang taong ninais kong sundan hanggang sa kabilang buhay.


"T-THIS IS INSANE! WHY ARE YOU EVEN HERE?! HOW DID YOU KNOW I'M BACK?! The hell with all my questions. . Just leave and forget everything you saw and everything that happened, okay?!Leave me alone!" saka niya akmang isasara na ang pinto ngunit mabilis ko itong pinigilan.


"Ha! I can't believe this! I'm literally shocked to my bones and mind pero hindi ako makapaniwala na yan ang una mong sasabihin sakin sa muli nating pagkikita. W-what is happening?! Nababaliw na ba talaga ako?? Sabihin mo nga Sophia, am I just seeing things? Are you my imagination? CO'Z YOU'RE DEAD! FOR CHRIST'S SAKE! YOU ARE FUCKING DEAD! WHAT IS HAPPENING?!!" napahawak nalang ako sa ulo ko gamit ang dalawang palad ko saka ako napapikit dahil sa sobrang gulo ng mga pangyayari.

Tuluyan na bang bumigay ang utak ko at ngayon ay wala na ako sa tamang katinuan?!

Bakit ko siya nakikita?! Patay na siya! At kung totoo mang buhay pa siya, bakit parang. . . . . .galit siya sa akin?

"What are you talking about Enzo?! I am "DEAD"?! Ganyan ka na ba ka-desperado at pinatay mo na ako sa isip mo? Well Enzo, if that's how you cope, . . then so be it! Ang sa akin lang, tapos na tayo kaya WAG MO NA AKONG GUGULUHIN PANG MULI!"

What is she talking about?! Tapos na kaming dalawa?!
.
.
.
We never even broke up on the first place because,
.
.
.
SHE DIED! SHE DIED!


"Sophia what is happening? Bakit ka sumisiga- . . Enzo??"

Napaangat ako ng ulo dahil sa boses na narinig ko. It's Tita Sonia. Sophia's mother.


"Tita. . . . what is happening?" tanong ko na hinang hina ang boses dahil hinang hina narin ang utak ko sa kakaintindi kung ano ba ang totoong nangyayari at nangyari na.

Namatay ba talaga siya?

Kathang isip ko lang ba lahat ng nangyayari ngayon?

O baka naman naman

.

.

.

kathang isip ko lang ang mga nangyari noon.

"Mommy I thought okay na?! Akala ko ba di na niya ako guguluhin pa? Bakit ngayon ay nandito siya?!" Tanong ni Sophia sa mama niya saka siya humarap muli sa akin. "And to you, LEAVE ME ALONE!" saka siya tumakbo papasok sa loob ng bahay nila.


I can't think straight. . . I'm so confuse. . .

"Enzo. . . I know that you're so confuse right now. . . but I can explain."

"Yes tita. Please. Please."

to be continued. . .


status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Where stories live. Discover now