Chapter 52

407 2 0
                                    

ANNA'S POV

"Tulong! Ack! Tulungan niyo ako!" paulit-ulit akong humihingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa aking pagsusumamo. Pinipilit kong ilangoy ang mga paa ko at ikampay ang mga kamay ko, ngunit sa di ko mawaring dahilan ay may mga di nakikitang nilalang na pilit na humihila sa akin pababa.

Unti-unti kong naramdaman ang pagpasok ng tubig sa dibdib ko. Parang apoy na humahagod at parang mga barbed wire na paulit-ulit na lumalabas pasok sa lalamunan ko. Ibinubuga ko palabas ang tubig ngunit lalo lang itong pumapasok sa lalamunan ko at ngayo'y pati narin sa ilong ko.

Wala akong masabi. Wala akong magawa. Pilit ko'ng ibinubuka ang mga mata ko kahit pakiramdam ko ay nasasabuyan ito ng asido dahil sa hapdi ng tubig na pumapasok rito. Ito nalang ang tanging nagbibigay sa akin ng pag-asa. Ng assurance, na habang may nakikita pa ako, hindi pa ako tuluyang nababawian ng buhay.

I stretched my arm towards the surface of the water as if I'm trying to grab something. But my bracelet slipped. The bracelet my mother gave me, and that her mother gave to her. Our Family Heirloom.

"NOOOOOOOO!!!"

"ANNA! ANNA!" naramdaman ko na may kamay na humawak sa balikat ko kaya agad kong ibinuka ang mga mata ko.

Panaginip lang ang lahat.

"Anna dear? Okay ka lang ba? Andito lang si mommy." nilibot ko ang paningin sa paligid.

Everything is so white. White walls, white curtains. Even my blanket and my bed sheet are white.

Mayroong maliit na cabinet sa right side ko at pader naman ng banyo sa kabila.

Mayroong nakakabit na tubo mula sa ulunan ko papunta sa kamay ko. Dextrose?

Meron din akong suot na facemask. Oxygen?

'Wala ako sa ilog?NASA HOSPITAL AKO?!'

"Honey, are you okay? I'll just call the doctor and inform her that you're awake." lumabas na si mommy at naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Andami kong tanong. Paano ako napunta dito? Sino nagdala sa akin dito? Kailan pa ako nandito? Bakit wala akong maalala after ko nahimatay? Paano yung Barrio Migration ko? at ANO BA TALAGANG NANGYARI?!

Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na ulit si mommy sa kwarto at may kasama siyang sexy na babaeng nakasuot ng puting blazer. DR. M.J TAN.

'Malamang siya na yung doctor ko. Pero bakit mas mukha naman siyang modelo?'

"Gudmorning Anna. Kamusta? Anong mga nararamdaman mo?" tanong niya sa akin. Isa-isa ko namang pinakiramdaman ang mga bahagi ng katawan ko na nakakaramdam ng sakit.

"Yung ulo ko po doc, medyo nahihilo pa ako tapos parang may nagbi-beat sa ugat niya. Masakit po yung buong katawan ko na parang nabugbog tapos nanghihina po yung pakiramdam ko. Nauuhaw din po ako. Pakiramdam ko isang buong araw akong hindi uminom ng tubig." sagot ko sabay hagod sa lalamunan.

"Yun lang ba? Pakisabi kung ano ang pangalan mo at kung ano ang pinakahuli mong naaalala bago ka napunta dito sa hospital."

"Anna Zolenn Ibarra po ang pangalan ko. Nasa ilog po kami, tapos hinahanap ko po yung bracelet ko, pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo tapos yun na yun. Wala na po akong alam pagkatapos."

"So I'll assume na at that time ka nalunod. Malamang ay nahimatay ka sa ilog kaya ka lumubog at nakarating ka sa pang-pang dahil idinala ka doon ng agos. Nagkaroon ka din ng mga galos dahil siguro sa mga batong nakapaligid sayo at nakuha mo siguro yang sugat mo sa ulo in an impact at a big rock. But those are just assumptions. No one knows what really happened."

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon