Chapter 29

363 4 0
                                    

TYLER'S POV

*ting! (1 message received)

From: ANNA

~Hi B. Musta? Anyway, make sure na nasa school ka ngayong lunchtime okay? =)

'Huh? Anong meron? Bakit kaya gusto niya na nandito ako sa school ngayon?'

~Tamang-tama, kararating ko lang galing sa bahay. Bakit, anong meron?

~Basta. Malalaman mo din mamaya. Makinig ka sa Radio Program.

'Radio Program?! Ang corny kaya nun! Hay naku! Kung di lang kita gusto Anna, di ako mag-aabalang makinig. Pero dahil request mo, ay syempre pagtya-tyagaan ko muna.

~Ah. Sige. Kakanta ka ba or something? Ikaw ba ang dj for the day?

~Hindi noh! Basta. Makinig ka nalang. Wala nang maraming tanong. =P

~Sige na nga. Sabi mo eh. Alam mo naman ako, di maka-angal sayo. ♥

'Oh! Bumabanat pa. San ka pa? Hehe!'

~Baliw! Bola ka pa diyan. Oh sige na, last text ko na to. May gagawin pa kasi ako. Bye!

~Bye.

(end of conversation)

Dito sa Eureka Academy, meron kaming sariling Radio Program. Music Club ang nag-ooperate nito.Actually, same lang siya sa mga radio program na naririnig sa bahay-bahay except, exclusively for the Academy lang ito.

Tuwing lunchtime ang broadcasting nila para di sila istorbo sa klase. Since sa Sound System sila naka-connect, naririnig ito sa buong school except sa Offices at sa Library.

30 mins. ang program. Nagbro-broadcast sila from 12:30pm to 1:00 pm.

*Ding! Dong! (Sound System)  

'Mag-uumpisa na yata ang Radio Program.'

"Goodafternoon Eurekians." read as (Yu-re-kyans). Yan ang tawag sa mga taga-Eureka Academy.

"The Music Club is here again for your daily dose of entertainment. Nasa canteen ka ba ngayon at kumakain ng lunch mo? O baka naman naglalakad ka palang ngayon sa hallway dahil katatapos palang ng klase mo? Kahit ano pa man ang ginagawa mo, tenga mo lang ang kailangan ko. Have a nice lunch everyone. Para sa unang bagsak, here's a song by Yeng Constantino." at tumugtog na sa buong Academy ang kantang "Chinito."

'Punta muna ako sa Rooftop. Tutal mamaya pa naman ang klase ko.'

Dito sa Academy, rooftop ang tambayan ko. Kapag mahaba ang vacant time, sa rooftop ako dumidiretso at nagpo-power nap. Minsan naman, kung di ako dinadalaw ng antok, nag-gagames nalang ako sa phone ko habang pumapapak ng snacks. Loner lang? Siyempre hindi. Madalas ko'ng kasama si Enzo. Pero may gagawin daw siya ngayon sa Library kaya "Alone" muna ang drama ko.

Pagdating ko sa Rooftop, as usual---walang tao.

Mayroong isang classroom dito sa dulo ng rooftop for laboratory activities, pero madalang lang itong gamitin. Ginagamit lang ito kapag wala ng extra rooms sa baba. Sabi nila, isa daw ito sa mga pinaka-unang classroom na ginawa dito sa Academy.

Mukha nga. Halatang luma na, dahil sa mga bitak-bitak na pintura at maalikabok na mga upuan at lamesa. Meron din namang garden dito, kaso yung mga halaman, karamihan--lanta na.

Bali-balita na mayroon daw gumagalang multo sa classroom na 'yon. Isa daw 'yon sa mga dahilan kung bakit ngayon, di na masyado ginagamit 'yung room.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon