Chapter 58

345 3 0
                                    

--- Seconds, Minutes, Hours, Weeks and Months passed.

  

Mag-uumpisa nanaman ang klase sa Eureka Academy.

  

May mga bagong estudyanteng darating dahil enrollment nanaman.

  

Pero meron di'ng mga aalis.

  

 

Like Tyler.
 
-----------------
   

NICOLE'S POV
  
 
"Do you really have to transfer?" tanong ko kay Tyler habang naka-upo kami ngayon sa Quadrangle.

  

Enrollment kasi namin ngayon para 4th year pero sabi ni Tyler sakin, hindi na daw siya mag-eenroll ngayong year na ito dito sa Eureka Academy. Magtra-transfer na daw siya sa Heuristic Academy.

  

  
"Yes Nicole. I really need to transfer." sagot niya habang nakatingin siya sa malayo.

  

Parang meron siyang iniisip na malalim.

  

Parang meron siyang inaalalang mga memories niya dito. Or maybe,

  

. . meron siyang kinakalimutan na mga memories.
 
 
"Is this because of Anna?" yun lang naman kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit sa tinagal-tagal na niya dito at kung kailan malapit na kaming mag-graduate ay saka pa siya magtra-transfer.

  

Hindi niya agad sinagot yung tanong ko. Tumayo siya mula sa kina-uupuan niya saka niya inilibot ang paningin sa buong school premises. 

  

 
"Hindi na tulad ng dati ang tingin ko sa school na ito Nicole. Yung Nursing Department," tinuro naman niya yung Building namin. "Noon lagi akong lumilingon sa building niyo kasi nagbabakasakali ako'ng makikita ko si Anna na naglalakad sa corridor. Pero ngayon, natatakot na akong lumingon. Baka kasi hindi na lang si Anna ang makita ko kundi, dalawa na sila ni Enzo."
  

Itinuro naman niya yung Grandstand.

  
"Dati, lagi ko'ng iniisip na kung magiging kami ni Anna, siguro diyan ang magiging tambayan namin kasi halfway siya ng building niyo at building namin. Pero ngayon, mukha ng malabong mangyari yun."
  

Sunod naman niyang itinuro niya ang Clinic.

  
"Dati lagi ko'ng naiisip yung panahon na binantayan ako ni Anna sa Clinic dahil nahimatay ako. Ngayon sa tingin ko ibang lalake na ang babantayan niya." Huminga siya ng malalim saka niya inilibot ang paningin sa Quadrangle.

  
"Noon, lagi akong dumadaan dito sa Quadrangle para planuhin yung gagawin kong pagtatapat kay Anna sa tunay ko'ng pagkatao. Pero ngayon, ni hindi ko na ito gustong puntahan o ni makita man lang. Masyadong masakit ang ala-ala na iniwan sa akin ng lugar na ito. Sa bawat sulok ng Academy si Anna ang nakikita ko. I think it's not healthy for me. Tuwing maa-alala ko siya parang pinipiga yung puso ko. Baka magkaroon pa ako ng Heart problem dahil dito. Hehe." halatang peke yung tawa niya pero pinipilit parin niyang maging masaya.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon