Chapter 42

360 1 0
                                    

2 days na ang nakakaraan mula nung nangyari yung aksidente nila Christian at Nicole, pero ni katiting na information kung paano sila napunta sa ganong sitwasyon ay wala kaming nakuha ni Kevin.

Dinaig pa namin ang spinner ng washing machine sa tindi ng pagpipiga namin ng impormasyon kay Nicole pero dinaig din naman niya ang takip ng tupperware sa sobrang tikom ng bibig niya. Sabi niya personal daw kasi.

Hay naku, We give up! Kung ayaw nilang sabihin edi wag. Napansin din namin na sunod ng sunod si Nicole kay Christian pero si Christian naman layo ng layo kay Nicole. Ano bang nangyayari sa dalawang yun?

*RRIIIIINNNNNGGGG!!

(Kevin calling. . . )

"Oh, bakit bakla?"

"Goodmorning din huh? Ang sweet naman ng bati mo! Anyway, ready ka na ba? Di ba ngayon tayo bibili ng mga kailangan natin sa Barrio bukas?"

Bukas na kasi yung Community Migration namin. Yun yung charity event ng school kung saan pupunta kami sa isang liblib na lugar tapos maninirahan kami doon ng 1week. Meron din kaming mga activity like School Construction. Nagdonate kasi yung school namin para sa pagpapatayo ng school dun sa Barrio (pangalan nung pupuntahan namin na lugar) kaya tutulong din kami sa construction. Tutulong din kami sa Activities of daily living nung household na titirhan namin.

"Oo, ready na ako. Hintayin nalang kita dito sa bahay huh?"

"Okay."

After 30 minutes. .  .

*Beep! beep! beep!

'Andyan na siya.'

"Mom alis na ako. Andito na si Kevin."

"Sige anak, ingat ka!" sigaw niya from the kitchen.

Paglabas ko. . .  

"Tyler?!" biglang nag-flashback sa utak ko yung panaginip ko.

"Shit!" napamura tuloy ako ng wala sa oras.

"Wow Anna. Di ka nalang basta nagmumura sa umaga, english pa! Goodmorning din sayo!" Sarkastikonniyang sabi. "Psh! Ikaw na nga tong sinundo ikaw pa tong may ganang murahin ako." pagkasabi niya nun ay pumasok na siya ulit sa kotse niya at umupo sa driver's seat habang ako naman nakatayo lang sa labas at nagtataka kung bakit siya nandito sa harap ng bahay namin ngayon.

'Susunduin niya ako ngayon? Bakit, may lakad ba kami? Ano to, may usapan nanaman ba kami na siya lang ang nagplano?!'

Nagising ako mula sa aking pagmumuni-muni ng bigla siyang bumusina.

*BBBBBEEEEEEEPPPP!!!

"AYY PWET NG KABAYO!"  

Biglang bumukas yung bintana sa passenger's seat.

"Ang baho naman ng expression mo. Sasakay ka ba o hindi? Kasi kung hindi, aalis na ako."

"Eh bakit ka ba kasi nandito? May usapan ba tayo?"

"Nagbabasa ka ba ng text mo?"

'Huh? Ng text ko? Paki naman niya kung nagbabasa ako ng text ko?'

"Tsk! Pumasok ka nalang dito saka mo basahin yung text mo. Sayang yung oras oh! Ma-traffic pa tayo!"

Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse niya. Pinaandar niya ang makina saka na nagmaneho palayo.

Habang nagmamaneho siya, tinignan ko naman yung phone ko.

2 messages received

From: Kevin

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon