Chapter 27

429 5 0
                                    

*RIIIIIIIIINNNNGGG!!

  

  

Breaktime na.

  

  
'Pero bakit kaya wala pa si Nicole? Nakidnap na kaya 'yon? Pero imposible!'

 

  

Parang lalake yun eh! Kung sakali man na may magbalak mangidnap sakanya, naku! Lagot siya sa flying kicks ni Nicole! Black belter yun sa Taekwondo.

  

  
"Anna!" nilingon ko 'yong tumawag sa akin at nakita ko si Kevin na papalapit sa inu-upuan ko.

 

 
"Asan na si Nicole? Sabi niya sa akin kanina na magsasabay daw kayong papasok.Eh mag-isa ka namang pumasok kaya nasaan na siya?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.

  

  
"Ay nako! wag mo sa akin itanong dahil hindi ko rin mismo alam! Tinatawagan ko pero di naman sumasagot."
  
   
"Asan na kaya talaga 'yun? Di naman siya mahilig umabsent dahil nga mine-maintain niya yung pagiging dean's lister niya. Weird!"
  
 
"Hay nako! Wag ka na mag-alala kasi sigurado ako na hindi naman 'yon makikidnap dahil mas lalake pa ang galaw niya kaysa sa mga klasmeyts nating boys!"
  
 
"Ayy korek ka dyan sissy! Oh siya tara na nga kain. Nagugutom na ako."
 
 

Tumayo na kami magmula sa pagkaupo at kinuha ko na ang wallet ko saka kami naglakad papuntang Canteen.

 

   

 

*******

  

 
NICOLE'S POV
  
 
"Sorry po. Akala ko po kasi talaga na kinidnap niya 'yong bata. Masama kasi siyang lalake!" sabay tingin kay Christian na ngayo'y nasa harapan ko. He just rolled his eyes heavenward.

 

 

 

Guess where we are?

.

.

.

.
We're at the POLICE STATION!!
  
 

Di ko inakala na aabot kami sa ganito. Ngayon naniniwala na ako na ipapahamak ka ng maling akala!  

  

  
"Miss sa susunod, kung magrereport ka sa amin, pakisigurado muna na totoo nga. Pulis nga kami na sumbungan ng mga krimen, pero importante din ang oras namin kaya as possible kung magrereport kayo sa amin dapat totoo." sabi ni mamang pulis na mukhang nabwisit ata talaga.

 

 
"Opo sir. Di na po mauulit." sagot ko na naka-tingin lang sa mga kamay ko dahil sa sobrang kahihiyan.

 

 
"O siya, sige na. Kami na ang bahala na magdala sa batang 'yan sa Dswd, at Iho salamat sa pagrereport. Pinuntahan na daw ng kasama ko 'yong nanay niya at baka maya-maya lang ay andito na sila. Tatawagan nalang kita kung mayroon pa'ng mga kailangan na information."
 
 
"Sige Sir. Tawagan niyo lang po ako anytime. I'll keep my lines open." sabi ni Christian at saka na kami tumayo at lumabas ng Police Station.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon