status: it's COMPLICATED (Chapter 3)

855 7 0
                                    

Chapter 3

(Secret Admirer)

   

"As if naman noh! Kung maipapasa ako nyan sa Nursing eh un malamang pupuntahan ko yan agad- agad, pero baka isa lang nanaman yan sa mga walang kwenta nyong tsismis kaya wag nalang. . Thanks but no thanks!"

   

Pero sa totoo lang curious din ako . .Nasaringan na ata ako ng pagiging "usi" ("usi"sero't "usi"sera) nitong mga palakang toh!  . .

  

. . Ano nga kaya yun?. .

   

"OMG! ito na ata ang oras na pinakahihintay natin Nicole!. . ang oras kung saan kakainin ni Anna ang mga sinasabi nya tungkol sa pagiging tsismosa natin." sabi ni Kevs na kung makatawa parang wala ng bukas.

   

"Baliw! ano bang pinagsasabi nyo dyan??"

   

Bigla naman silang nagharap ni Nicole at saka nagkindatan. .

  

 
'Huh?! anong trip nitong mga to?'

   

"Nicole kunin ang box!" utos ni Kevs. . At saka dahan dahan silang lumapit sa kinauupuan ko na parang ngmomodel sa runway. .

  

May binaba silang box sa table ko na kulay itim tapos may design na flowers and hearts na white at velvet red. . Cute nga eh. . Napakasophisticated ng dating. .

     

Mayroon pa ngang letter "B" na nakalagay sa gitna. . kulay black un with silver lining. .

  

"Ano naman yan?" tanong ko sakanilang dalawa na nakatingin din sakin with matching smile pa. .

   

 

"Haler!Bulag lang te??Box Anna. .Box ang tawag dyan. .maari kang maglagay ng mga bagay sa loob. . minsan gingamit din yan pag magbibigay ka ng regalo. . Oh ngayon alam mo na kung ano yan??"(Nicole)

  

'Abay talagang sinusubok ng dalawang ito ang pasensya ko ah!'

   

"Ah. . ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyan eh  . Kayo bang dalawa nakakita na kayo ng lumilipad na stars at ibon sa paligid ng ulo nyo? Gusto nyong itry???" sabi ko habang nakasara ang palad na akmang susuntok . .

   

 

"Abay Anna kung ganyan naman ang usapan. . . . .

. .

. .

. . .

titino na kami." sabi ni Kevin na lumayo pa ng bahagya. .

   

 

"Buksan mo kasi ng malaman mo kung anong tinutukoy namin!" (Nicole )

   

Tinignan ko ang box at saka ko ito binuksan ng dahan dahan. . . . Baka kasi biglang may tumalon na palaka mula sa loob . . Pag nangyari un di lang ibon at stars ang makikita nla Kevs at Nicole kundi mga anghel na sa langit. . . .Joke!. .

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Where stories live. Discover now