Chapter 64

335 3 0
                                    

---

  

"Hon please, I'm begging you. Please don't drive! Gusto mo ba na bumulagta nalang ako dito dahil sa sobrang nerbyos dahil sa kaa-alala na baka kung anong mangyari sayo? Na baka mabangga ka or may makabangga sayo? So please Anna, nakiki-usap ako sayo. Wag ka ng mag-drive."

  

 

"Ano ba'ng nangyayari sayo Hon? Dati naman na akong nagdri-drive ah? Bakit bigla-bigla naman ata na pinipigilan mo ako? Okay ka lang ba? Parang ilang araw ko ng napapansin na madalas kang anxious. May problema ka ba? Alam mo naman na pwede mong sabihin sakin lahat ng problema mo di ba?" hinawakan ko ang braso niya para icomfort siya ngunit wala paring nagbago.

  

 

"Wala akong ibang problema hon kundi yang pagdri-drive mo. Nag-aalala lang ako para sa kaligtasan mo. Ayaw ko lang na. . . . mangyari ulit ang nangyari noon. Today is that day. The day I lost you." hindi ko naintindihan yung mga huling sinabi niya sa dahil pabulong na niya itong sinabi. Nakatingin lang siya sa sahig na parang mayroon siyang ina-alalang nangyari sa nakaraan.

  

Isang malungkot na pangyayari. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung lungkot. At. . . takot?

  

 

Sa totoo lang nag-aalala talaga ako kay Enzo this past few days. Napapansin ko kasi na madalas siyang tulala.

  

Madalas na parang wala siya sa sarili.   

  

Kinakausap mo pero hindi naman siya nakikinig.

 

Parang meron siyang iniisip na bagay na labis niyang ikinababahala.

  

 

Madalas narin niyang gamitin ang pangalan ko. At isa lang ang ibig sabihin nun, na seryoso siya sa sinasabi niya.

      

"Hon are you alright?" inangat niya ang paningin niya sa akin at nakita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa. Para siyang nahihirapan. "Wag ka ng mag-alala okay? Sige na, hindi na ako magdri-drive. Magco-commute nalang ako. Sabihan ko nalang si Nicole na sa mall nalang kami magkita at hindi ko na siya masusundo dahil magco-commute na ako."

  

Sasamahan ko kasi dapat si Nicole ngayon sa mall dahil may kailangan daw siyang bilhin. Susunduin ko nalang nga sana siya tulad ng lagi naming ginagawa pag lumalabas kami, pero dahil ayaw naman ni Enzo na magdrive ako, edi hindi na muna.

  

 

"NO!" hinawakan niya ang braso ko kaya naman nabigla ako. "Hon I know this is weird and I'm weird but. . . .can you please just stay? Stay with me? Dito lang tayo sa condo mo. The whole day. Let's just watch movies, foodtrip, games or anything else. Basta wag ka lang umalis. Hmmm?" bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya naman mas lalo akong nagtaka at naguluhan.

  

 

Ano ba talagang nangyayari? Bakit ba nagkakaganito si Enzo? Meron ba akong bagay na dapat malaman na hindi niya sinasabi?

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Where stories live. Discover now