Chapter 38

322 1 0
                                    

*******

*Left side lying

.

.

Right side lying

.

.

Prone

.

.

Supine

.

.

Puts pillow on the face

.

.

Removes it

.

.

Repeats the whole process for 5 times

.

.

Sits down.*

Time Check: 1:45 am

*Breath in. . Breath out. . *

“Ano ba’ng nangyayari sakin?! Normal pa ba to? Bakit nung una naman na hinalikan ko si Anna hindi ganito yung epekto sakin? Ang sarap pa nga ng tulog ko noon. Pero ngayon? TSK!”

Alam mo yung pakiramdam na antok na antok ka na pero yung isip mo, active na active pa? YUN UN EH! Ilang oras na akong nakahiga dito sa kama ko pero tuwing ipipikit ko yung mga mata ko, dinaig ko pa ang sirang plaka sa paulit-ulit na pagfla-flashback ng kissing scene namin ni Anna kanina sa Academy.

*Ting! (1 message received)

From: Anna

‘Huh? Anong oras na gising pa siya? Ano naman kayang gusto niyang sabihin kay B?’

A: ~Hello B. Goodmooorrniinngg!! Hehe! Tulog ka pa ba? Pasensya ka na sa istorbo ha? Nag-hahanap kasi ako ng makaka-text ngayong gabi—or should I say, UMAGA. Di kasi ako makatulog. Pero kung tulog ka na, it’s okay. . I’ll understand kung di ka mag-reply. Sweetdreams. =)

T: ~ Gising pa ako Anna. How are you? Are you okay? Bakit di ka makatulog?

A: ~YEY! Buti gising ka pa! I’m not sure kung bakit di ako makatulog eh. Parang gusto na nga ng katawan ko magpahinga dahil sa pagod kanina sa Sports Festival, pero yung isip ko active pa.

T: ~Ano ba’ng iniisip mo at hindi ka makatulog?

A: ~Secret! Hehe! Eh ikaw naman? Bakit gising ka pa?

T: ~ Kasi iniisip kita.

A: ~Sus! Ikaw talaga! Bino-bola mo nanaman ako! Siguro ganyan mo napapasagot yung mga nililigawan mo noh?Hehe

T: ~Hmm. .Oo, yung mga naging girlfriends ko noon, sa tingin ko yan nga ang ginamit ko para sagutin nila ako. Pero sayo? I would never do that! Seryoso ako sayo kaya katotohanan lang ang sasabihin ko. Pag sinabi ko’ng maganda ka, maniwala ka. Pag sinabi ko’ng gusto kita, maniwala ka. Pag sinabi ko’ng miss kita, maniwala ka. At pag sinabi ko’ng iniisip kita, maniwala ka.

After 1 minute. .

‘Oh? Ba’t di na siya nag-reply? Hindi ba siya naniwala sa mga sinabi ko?’

*Ting! (1 message received)

From: Anna

A: ~Sorry late reply. Nabigla kasi ako sa text mo kaya parang di ko maisip agad kung ano ang i-rereply ko sayo. Pwede ko ba’ng tanungin, ano naman ang iniisip mo tungkol sakin?

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon