Chapter 72

206 2 0
                                    

------------------

Harap sa left. . .

Harap sa right. . .

Tingin sa ceiling. . .

Buntong hininga.


"Hay!"

Time check: 5:30 AM.

Ito na yata yung sinasabi nilang jet lag.

Gusto ko ng matulog pero hindi ko makuha yung antok ko. Add to that na itong kwartong ito ay dating kwarto ni Tyler.

Para akong timang na nakatingin sa kawalan. "Oh my Gad! Mabuti pang bumangon nalang ako at hopeless naman na makakatulog pa ako." Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan atsaka na ako bumangon at nagpalit ng jogging attire. "Mabuti pang ubusin ko na lang natitira ko pang energy para mamaya-maya lang ay bagsak na ako."

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang naka-jogging attire din na si Tyler.


"Oh, Anna. Magjo-jogging ka rin?" Tanong niya habang inaayos niya ang suot niyang hoodie.

"Oo eh. Di kasi ako makatulog. Dahil siguro sa time difference." Naglakad kami pababa ng hagdan. Ako sa unahan at si Tyler ay nakasunod naman sa likod ko.


"Ganyan lang talaga sa una, pero after ilang araw, masasanay ka rin. Ganyan din ako nung bago ako dito." Nakarating na kami sa first floor at si Tyler ang naunang naglakad papuntang pintuan. Binuksan niya ang pinto pero hinintay muna niya akong makalabas saka siya sumunod. "May malapit na Sports Complex dito. Doon nalang tayo mag-jogging."

Nag-umpisa na kaming maglakad. Pagkalipas ng 5 minutes ay narating na namin ang Complex. Mayroon naring mga taong naririto. Yung iba, nag-jojogging, yung iba naman nasa Soccer field at yung iba ay nasa may grassy area at nag-iistretching. Dumiretso naman kami ni Tyler sa track at nag-umpisa ng mag-jog.


"Kamusta naman ang pinas? How's Kevin? And how about Nicole?"


"Wala namang bago. Maliban nalang sa mga bagong problema sa gobyerno." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Si Kevin, laging nagrereklamo na naho-homesick na siya. Gusto na daw bumalik ng pinas pero hindi pa kasi tapos ang kontrata niya kaya wala siyang magawa. Si Nicole naman, alam mo na, ayaw lumayo ng pinas. Ayos naman daw yung sahod niya sa EMC kaya bakit pa siya aalis? Tama nga naman siya. Ako din naman eh, kung pwede lang eh gusto ko rin sana na sa pilipinas nalang ako magsilbi." I saw a glimpse of sadness in his eyes pero baka guni-guni ko lang yun."Pero dahil nandito naman na sila papa, I might as well try. Tutal may babalikan naman kaming bahay sa pilipinas kung sakali. Eh ikaw? What's your work here?" I noticed some girls looking at our direction. Sa akin ba sila nakatingin o kay Tyler?

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Where stories live. Discover now