Kabanata 7

118K 4.9K 3K
                                    


Orion saw Hezekiah hesitated to walk towards him. Hindi niya tuloy alam kung itatapon niya sa tabi si Tanya. Maingat na lang niyang ibinaba ang kamay nitong nakapatong sa kanyang beywang. Tanya was quick to see who he was looking at.

Naroon pa rin si Hezekiah, nakahinto. Parang tumigil ang mundo na meron lamang siya, si Tanya at Hezekiah. Umawang ang labi nito pero umikot na lang ito patalikod at naglakad nang papalayo na walang sinasabi. Nakalimutan niyang nagtatampo nga pala siya sa dalaga. Why does she always think that he wants to get into her skirt? Well, nature naman iyon ng mga lalaki but he was not intentionally asking for it, too. Masyado siyang maingat kay Hezekiah dahil pakiramdam niya ay iba ito sa lahat.

"Wait, Miss." Hindi niya namalayan na hawak-hawak na ni Tanya si Hezekiah sa braso. "Are you dating Orion?" Mataas ang tono ni Tanya pero ganun naman talaga ang babae, she sounds spoiled even all her life, she was just trying to please her father. Wala rin naman itong gamit na hindi nito pinaghirapan, Tanya needs to excel in class or sports to get a reward, shoes, bags, cars- she earned everything because Ka Ato or Fausto Ricafort wanted a son but he got a daughter and nothing else. Walang extra favor si Tanya sa ama.

"Tanya.." Tawag niya sa dalaga.

"Oh! I see it! I see it!" Tumalon-talon pa si Tanya na parang may nasolve na puzzle, "you both like each other."

"Tanya!" Suway niya sa fiancee pero hila-hila na nito si Hezekiah papalapit sa kanya. "Let's have lunch! Maaga pa naman para sa klase ko, 'e."

Bakas ang hesitation sa mukha ni Hezekiah pero parang papel din lang itong nagpaanod sa pangyayari. They went to Gonzaga Hall. Tanya was being talkative more than usual. Hindi nito trip ang mga babaeng lumalapit sa kanya pero hindi niya alam kung bakit ang ganda ng pakikitungo nito kay Hezekiah. Ito pa mismo ang bumili ng pagkain ni Ia.

"What's your favorite food?" Narinig niya pang tanong nito.

"Hindi ako mahilig kumain." Nahihiyang sagot ni Hezekiah.

"Ay! Ako I like Filipino. Menudo is the best. Yung yaya ko magaling magluto ng menudo, so sad nga that she has to go home sa province kasi may sakit ang anak. What's your shoe size?" Sumunod na tanong nito. Parang nakalimutan na ni Tanya na nasa paligid pa rin siya at nagmukha na siya ang third-wheeler.

"Size six."

"Ay same! Ako rin, size 6. I'll share to you my shoes because I have two designs of each. OA kasi si Mommy mamili nung nagkaroon ako ng award sa tennis last sem, doon lang kasi niya ako pupwedeng ipamili, kapag may nakuhang award. I hope it was yearly but not, hindi naman kasi ako masyado ng matalino kaya hindi rin ako pumasa sa entrance exams dito. Dad tried to use his influence so I can study here pero pinanindigan ko na na hindi na lang, kasalanan ko naman, bagsak 'e."

"Gusto mo ba niyang pagkain mo?" Bulong niya kay Hezekiah, katabi niya ito at nasa harapan nila si Tanya. Inirapan siya ni Hezekiah.

"Ay ang cute. Magkaaway kayo?" Tanya asked.

"Tanya ano ba?" Suway niya pero hindi mabawasan ang energy nito.

"What do you think of relationship, Ia?" Hindi siya pinansin ni Tanya.

"Ha?"

"Naniniwala ka bang kung sino ang boyfriend mo ngayon, yun na ang makakatuluyan mo?" Tanya followed up.

Umiling si Hezekiah. "Hindi. May mga dumadaan sa atin as lessons, those people who are not meant to stay."

Napapalakpak si Tanya. "That's good. In two years siguro 'di mo na rin type si Orion kasi masama naman ugali niyan." Tumawa si Tanya, nawalan na talaga siya ng gana. "I am sorry, weird ba ako?" Napatakip ng bibig si Tanya.

Frat Boys Series 1: OrionWhere stories live. Discover now