Kabanata 24

50.3K 2.1K 283
                                    


Hezekiah stayed focus at work even more. Inilagay niya sa frame ang kanilang family picture at ipinatong iyon sa kanyang office table. Naiinspire siya tuwing nakikita si Daisy at Natoy na nakangiti, para bang nginigitian siya ng dalawa.

Bumukas ang pinto niya sa opisina, napaangat siya ng tingin nang makitang si Orion at si Domini ang nasa may pintuan. They both holding a venti-sized Starbucks coffee. Nag-uunahan pa kung sino ang unang papasok. They are both tall and big boys, naturalmente at hindi sila kasya sa pinto kung sabay na daraan pero walang nagbibigay sino man.

Takang pinagmasdan sila ni Em, pilit na nagsisiksikan ang dalawa pero hindi sila makapasok, they struggle but they try to make it harder, hinaharangan pa nila ng paa ang isa't isa. Tumayo si Em at kinuha ang dalawang kape ng sabay mula roon sa dalawa. Naglakad ang kanyang kaibigan patungo sa kanya at sabay na sabay na ipinatong ang kape sa kanyang lamesa, nakataas ang kilay. Bumukas ang bibig nito na parang nagulat.

"Si Superman!" Turo ni Em sa labas ng bintana, napalingon naman siya. Pagbalik niya ng tingin ay nakangisi si Em sa kanya at pinagpalit palit ang dalawang baso na hawak.

"Pinagpalit-palit ko na yan, hindi mo na malalaman kung kanino galing ang Salted Caramel Macchiato mo. Or gusto niyo mga Sir paghaluin natin sa pitcher para mas fair?" Suhestyon ni Em sa dalawang nasa may pintuan pa rin.

Naguguluhan na kasi si Em kay Orion at Domini, gayon din siya. Normal na tagpo ito na kapag pumapasok ang isa sa opisina niya ay tiyak na susundan ng isa. Domini isn't living with her anymore. Paano ay dumating ang isang araw na hindi na rin umalis si Orion sa kanyang condo at napagalitan siya ni Fausto dahil may dalawang lalaki sa kanyang tahanan. Lagi rin siyang nale-late dahil tatlo silang gumagamit ng kanyang banyo. Hindi siya nakakapamuhay ng mapayapa kaya pinalayas niya na si Domini. Nasa kabilang unit lang naman ito at sa kanya pa rin nakikikain. At least may sarili na itong banyo at TV, hindi na sila nag-aagawan.

"Mas masarap ako, Ia!" Sigaw pa ni Domini mula sa pintuan. Sinimangutan niya ang kaibigan, nag-eskandalo na naman sa FRINC. "I meant, yung kape ko. Matamis na maalat-alat."

Inis na tumagilid si Orion at tinungo siya sa may office table. Umirap siya rito. She still couldn't forgive him for scolding her during one of the meetings. In fact, the scolding went here and there these past few days. May galit lang!

"Where's the performance report that I've asked from you?" Seryoso ito na umupo sa harapan ng kanyang office table.

"I am still reviewing my team's report."

"Your deadline is today, Miss Cruz. You've been missing deadlines."

"Hindi naman kasi importante ang mga ipinapagawa mo." Inis siyang tumayo.

"Oh-oh, Im out of here." Napatakip ng bibig si Domini na ngayon ay Training Manager at Overall Consulting Supervisor ng FRINC, he's been helping her a lot, kapag sa kanya na ang kumpanya, Domini will be her COO, tiwala siya rito. But for now, she has to deal with the acting CEO first, Nagmamadali ring tinungo ni Em ang pintuan at lumabas iyon kasama si Domini nang mahimigan ang seryoso nilang usapan ni Orion.

"That's important, Miss Cruz. You need to give your team a performance update para alam nila kung nahuhuli na sila o hindi. Or if you've been pressing them too hard. That'll be hazardous to our workers too. Sa atin din ang bagsak niyan."

Kinuha niya ang isa sa mga baso ng Starbucks, "Not that, take the other one." Seryosong utos ni Orion na hindi iniaalis ang tingin sa kanya. Sinunod naman niya at uminom mula roon.

"Mahirap i-figure out ang performance, Mr. De Salcedo. Walang machineries na available rito sa Pilipinas. We have to manually score our people to work hard."

Frat Boys Series 1: OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon