Kabanata 10

72.5K 2.9K 677
                                    

SPG.

HI!

---

"Ia, pupwede kayang sa susunod na semestre ay hindi ka muna pumasok? Nag-text kasi si Ate Nilda, ang sabi sa akin ay naghahanap siya ng titingin sa babuyan niya sa Tagum. Naisip ko ay dumoon muna tayo." Nag-angat ng ulo si Hezekiah mula sa binabasang libro na nakapatong sa maliit na lamesita.

"Ayoko, 'Nay. Ayokong huminto. Imbes na mapabilis ang pagtatapos ko, mas tatagal pa. At saka may trabaho naman tayo rito.."

Napangiwi si Daisy sa hindi niya pag-sang ayon. Gusto niyang mabilis makatapos. She wants to achieve her dreams faster if she can. Sa panahong iyon ay hindi na niya haharapin ang ama na luhaan at kaawa-awa. He will be proud of her at pagsisisihan nitong hindi siya kilalanin na anak.

"A-ang kaso kasi—"

"Ayoko rin 'Nay. Mamimiss ko ang mga kaklase ko ko." Singit naman ng batang si Natoy.

"Nakita mo na, 'Nay? Too late na para magbagong buhay tayo kasi sobrang busy naming mga anak mo. Hayaan niyo at kapag nakapasok ako sa trabaho, pinakauna kong babaguhin ang buhay nating tatlo."

Tipid na ngumiti si Daisy, bakas ang pag-alala sa mga mata. Alam ni Hezekiah na kapakanan niya ang iniisip ng ina. Alam niya rin na bukod sa kapakanan niya, ang pinakamahalaga pa rin ay ang kanyang mga pangarap. She can endure everything for her dreams, she perfected her plan over the years. Mangyayari ang lahat ng mga iniisip niya.

"S-sige, ang sakin lang naman, kapag naging mapanganib ang lugar na ito, aalis ka at wala kang babalikan na kahit ano sa bahay na ito. Alam mo kung kanino ka tatakbo."

"Whoah. Iba yata ngayon ang tono mo, Nay ha? Hindi ba't nagalit ka nang lumapit ako sa Tatay ko?"

"Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang Tatay mo." Patuloy pa ng ina, hindi alinlangan ang pang-aasar niya rito. Tumango siya kahit na sinabi niya naman sa ama na huli na ang kanyang pag-aaral sa hihingiin niya rito at wala siyang balak na kalimutan iyon.

---

Lunes. Kadalasan ay Business Statistics class nila iyon at nasa isip ni Hezekiah ang babayarang group project sa araw na iyon. Kulang pa ang kanyang pera kaya naman wala siya sa sariling nakarating sa loob ng classroom para lang magdalawang tingin sa room number na nakasulat sa labas ng pinto.

Room 201, tama naman.

Nagtataka si Hezekiah nang pumasok siya sa classroom. Wala ang kanyang mga kaklase at kaibigan kahit pa sinabi na ng mga ito na kanina pa naroon. Lumapit siya sa bintana para tanawin ang mga kaklase, nang walang makita ay kinuha niya ang cellphone para tawagan si Becca. Nakagat niya ang daliri niya nang hindi ito sumasagot. 

Natigilan siya sa tunog ng gitara sa may pintuan, pinaglalaruan na yata siya ng isip niya na napakaraming laman. 

"Ia, this song is for you."

Napanganga siya nang makita roon si Orion na may dalang gitara at tumitipa 'non.

Can I call you baby? Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeah

Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me

"A-ano 'to?"

Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nasa likod ni Orion at may dalang Teddy bear, bulaklak, at chocolates. Ngiting-ngiti ang mga ito at kanya kanyang kuha ng eksena sa kanilang cellphone. Ilang sandali pa ay nanonood na rin ang kanyang mga kaklase. Ang ilan ay gusto lang yatang marinig si Orion na kumanta.

Frat Boys Series 1: OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon