Kabanata 29.2

55.3K 3.1K 1.1K
                                    

Maki Says: Grabe ang bilis niyo naman ako ijudge. Haha Mag-a-update naman, nabusy lang :P

---

The next morning, silence filled the air. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hezekiah doesn't want to speak of course, ano ito si Orion? Sinuswerte? Uuwi kung kelan gusto. What she couldn't understand is that Orion giving her death stares instead of an apologetic one. Ito pa ang galit?!

Hindi siya naghanda ng umagahan, Orion left without uttering a word too.

While she was watering her plants, her phone rang. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Domini iyon. Dali-dali niyang sinagot ang tawag.

"Hi my housewife friend! Kumusta ang paglilinis mo ng buong bahay?" He chuckled.

"I will kill you! How dare you to send me here?! Ito tuloy ang inabot ko!" Reklamo niya.

"Chill! Send me your address, I'll hand you something."

Kahit nagagalit sa kaibigan ay binigay niya naman ang address nila. Before lunch ay dumating na ito na may malaking ngiti sa labi at pastry box sa kamay.

"Ano ito? Suhol?" Inis na angil niya.

"Left-over. I don't want to eat it so..." Nagkibit balikat naman ito habang sinusundan siya papasok ng bahay. Nakita niyang ensaymada ang naroon sa loob ng box. Dumiretso siya roon sa espresso machine niya at gumawa ng coffee. Inilipat niya naman sa dalawang platito ang ensaymada at ininit iyon until the cheese melted.

"Hmmmm! Smells really good!" Bulalas niya. "Saan mo 'to nabili?" She acted clueless, ang totoo ay nakita niya ang maliit na note doon sa box at gawa iyon ni Tanya.

"Someone gave it to me. I don't eat that."

"Tikman mo. Tiyak na magugustuhan mo." Pilit niya. Matigas ang tanggi ni Domini pero nang itusok niya na iyon sa tinidor at isinubo niya rito ay wala na itong nagawa.

"Di ba ang sarap?" Ngiting-ngiting tanong niya. It should be good kahit hindi niya pa natitikman dahil gawa iyon ng kanyang kapatid, magaling magluto si Tanya.

"Hindi. Pwe." Nanliit ang mata niya, parang siya ang naoffend para sa kapatid niya. Pinukpok niya ng tinidor sa ulo si Domini. "Ano ba?" Reklamo nito.

"Kapag sinabi kong masarap, um-oo ka!" Pinanlakihan niya pa ito ng mata at inambahan muli ng pukpok ng tinidor.

"Oo! Oo na! My God, what's wrong with you?!" Sinubo na ni Domini ang ensaymada at tinuloy-tuloy na niya ito. "Ipag-init mo pa nga ako ng isa!" Galit na utos nito sa kanya.

"Sarap 'no?"

"Hindi pa rin! Ayoko lang mapukpok ulit."

Nagpalipas sila ng oras kakakwentuhan tungkol sa bagong episode ng napanood nila sa Netflix, pati na rin ang pinsan ni Domini na ikakasal na sa one-week girlfriend nito. Hindi sila magkasundo sa opinyon, however, she still likes it. Domini feels home. If he will be her brother-in-law, she'll be happy, at least tumaas-taas ang posisyon niya kaysa sa pagiging yaya ng mga anak nito. Hindi nga lang ito nagkukwento tungkol sa sarili nito. Ganoon din siya. Everything is more complicated now.

Ginabi na si Domini sa kanilang bahay. Naghanda sila ng processed food dahil hindi sila marunong magluto parehas. They were still chatting away and eating spam and hotdogs when they heard a car parked at the garage. Ngumuso si Domini at isinenyas ang pinto. She mouthed 'What?'.

"Open the door for your husband, Ia." Bulong nito.

"Hindi ako guard."

"Tngina." Natawa muli si Domini, "check mo yung ID baka hindi dito nakatira."

Nang bumukas nga ang pinto ay padabog na ibinagsak ni Orion ang gamit sa sofa. Hindi niya naman ito nakikita dahil nakatalikod siya sa lamesa.

"Good evening!" Domini pasted a smile. Tipid na tango lang ang isinagot ni Orion dito then he went up just like that.

Frat Boys Series 1: OrionWhere stories live. Discover now