Kabanata 2

113K 5K 630
                                    


Mapang-akit na gumigiling si Hezekiah sa maliit na stage ng Penpen. Naglalaway ang mga kalalakihan na namumula na sa kalasingan. Sabik ang mga ito sa maputi at mabibilog niyang binti. Kumapit siya sa pole at naglambitin doon. May pumalakpak na isa.

"Hezekiah, ite-table kita ha!"

Nagkagat-labi siya kay Mang Ronald na asawa ni Aling Gigi. Suki ito ng Penpen, maliban na lang kapag sinusundo ng asawa. Wala tuloy gustong tumable na babae rito dahil nadadamay sa flying kick ni Aling Gigi. Mas lalong nanabik si Mang Ronald at halos abutin siya sa stage kundi lang mabilis ang mga bouncer.

Hindi rin naman pinapayagan ni Daisy na tumable si Hezekiah. 'Por your eyes onli.' Sabi nga nito. Hindi rin naman siya pinipilit ng mga kasamahan nila. Mas pabor nga ito sa kanila dahil hindi na siya makikihati sa potential kita ng mga ito. Swelduhan lang siya ni Chief Greg tuwing sumasayaw siya sa gabi, kapag sinuswerte ay nababahagian siya ng tip ng mga tume-table pero hindi naman kalakihan iyon dahil mga taga-squatters din lang ang mga parokyano nila.

Eksakto ala-una ay umuuwi na si Hezekiah, alas-tres naman umuuwi ang kanyang ina. Binuksan niya ang ilaw sa maliit na tahanan nilang mag-iina. Naabutan niya si Natoy na natutulog sa sofa at may yakap-yakap na libro. Umupo siya para tingnan ang kapatid. Kinuha niya ang libro na yakap nito at binasa ang mga assignment na ginawa. Itinama niya ang ilan bago naghandang matulog.

Inilabas niya sa paperbag ang hiniram niya kay Ashley na bathing suit, gagamitin niya iyon sa Frat party ng Delta Kappa Phi. Kulay puti iyon at tiyak niyang bagay na bagay sa kanyang makinis na kutis. Nanghiram pa siya ng gagamiting accessories. Wala siyang balak na sabihin sa mga kaibigan na nakapulot siya ng invitation para sa frat party. Gusto niyang kumilos ng tahimik. Saka na lamang siya magmamalaki kapag nagkaroon ng resulta ang pagpupursige niya.

Kinabukasan ay hindi mapakali si Hezekiah dahil sa anticipation sa frat party. Nagpaalam siya sa ina na aabsent muna sa club dahil mayroon siyang assignment. Hindi niya masabi ang plano dahil tiyak na pagbabawalan siya nito. Tuso raw kasi ang mga mayayaman. Mabuti pa raw ang mga mahihirap, may kaunting konsensya pero ang mga mayayaman ay wala.

Naglalakad siya kasama ang mga kaibigan sa kahabaan ng Xavier Hall nang matigilan si Becca.

"Hayyyy, Orion is really gwapo." Tila nananaginip na sambit ni Becca.

"He never noticed you girl kahit pa sa middle school. Hindi ba engaged na 'yan bata pa lang siya?" Pagpupunto ni Kendall.

"Yeah. But it is not like he's really faithful. He has harem of girls here while her girlfriend is so busy with her studies sa kabilang school."

"And you want to be part of that 'harem'? Yuck ha." Em shook her head.

"Well, they are all like that sa Delta Kappa. Feeling blessed pa nga ang mga naging babae nang mga iyan." Kendall added.

Clueless si Hezekiah sa pinag-uusapan hanggang sa marinig niya ang Delta Kappa, nagbigay siya ng atensyon. Nilingon niya ang lalaking pinag-uusapan, nakatayo ito sa bulletin board na parang may tinitingnan. Hindi naman mahirap makita dahil sa tangkad at laki ng katawan nito. His hair is neatly combed in place but his physique says he's no where near a good boy.

Tingin niya ay nagtatagal ito sa gym. His jaw is well defined, his nose is prominent while his lips, his naturally cherry lips looks so smooth and soft. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nanlambot ang tuhod niya nang tingnan siya ng mga mata nitong malalim kung tumingin.

"He's looking at our direction!" Kinikilig na wika ni Em. "Gusto kong mag'hi' kaso baka he cannot remember us, ah! He's like a god. Siya na raw ang frat leader next year."

Frat Boys Series 1: OrionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin