Kabanata 6

107K 4.3K 770
                                    




A/N: Walang kinalaman ang link sa story. In case you want to watch my first vlog, please feel free! Subscribe na rin and like. Hehe Thank you!


---

"I am sorry. Don't take Lara's words by heart." Apologetic ang mukha ni Orion kay Hezekiah. She shrugged then continued in scanning the books in the shelves. Lara is really petty which made her wonder what is she worrying all about. Kung ganoon pala ka-insecure ang isang Demolay then there's no reason for anyone to kill for that spot.

Isa pa, ano ba naman ang masasakit na salita sa ilang taong paghihirap niya? Words cut deep but bad experiences cripples you, when you let it, of course.

Pinili niya ang 'To Kill a Mockingbird' ni Harper Lee nang mapadpad ang mga palad niya doon sa spine ng libro. Napasipol si Orion, bakas ang pagkamangha sa mata.

"You always surprise me with your literary choices." Nakangiti ito.

"Really? Ibig sabihin ay alam mo na ang nakasulat sa librong ito. I didn't know that frat boys love to read. It seems like you are always ahead of me. when it comes to books."

Napahawak sa batok si Orion, "Is that a turn off?"

Napakunot ang noo niya. Turn off? Ang lalaking mahilig sa libro?

Ngumisi siya, "mahilig ka rin naman sa babae bukod sa libro, so, pantay lang."

"Things are never as bad as they seem." Sambit ni Orion, napataas siya ng kilay. "It is a quote from the book." Pagpupunto ni Orion. "Tuwing may hindi magandang nangyayari, I always remember that quote. May mas mahirap pa ang pinagdadaanan kaysa sa akin. O 'di kaya naman, darating ang araw na isa na lang nakaraan ang parteng iyon."

Tumango-tango siya.

"Ang totoo ay nabasa ko na ang ilang pahina nang librong ito, matagal na.. 'I wanted you to see what real courage is, instead of getting the idea that courage is a man with a gun in his hand. It's when you know you're licked before you begin, but you begin anyway and see it through no matter what.' Ang ganda, hindi ba. Kahit alam mo nang hindi patas ang laban, susugod ka pa rin at hindi ka basta-bastang magpapatalo."

Orion looked at her deeply. Pakiramdam niya ay may umalon sa kanyang sikmura. She was never looked by a man that way before. Dumako ang mga mata ni Orion sa kanyang mga sugat, parang hindi mapakali.

"Sino ang nanakit sa iyo? May maitutulong ba ako?" Tanong muli nito.

Gusto niyang magsumbong kay Orion pero nanatiling pipi siya. He wouldn't care if he knew she was buried deep in poverty, molested by the demons in her neighborhood. Gaano nga ba makapangyarihan ang Delta Kappa? Would they help someone like her or would they also shrug their shoulders and say poor people are so fcked up that's why it happened?

"Wala. Kaya ko ang sarili ko, Orion. Ito ang una at huling beses na makikita mo akong ganito. Isa pa, ang sabi ko sa iyo ay huwag kang maging masyadong invested sa isang kagaya ko, I am just here for the books."

Hindi na kumibo si Orion at hinayaan siyang magbasa ng libro. Sa tabi niya ay nagbabasa rin ito ng textbook na para sa exam week. Alam niyang hindi bulakbol ang kahit sinong miyembro ng Delta Kappa, seryoso sila sa academics at sports. Hindi sila ang mga lalaking puro pagpapaguwapo lang ang alam. What she didn't realize is how serious they are in studying, o si Orion lang ang ganoon.

Papalubog na ang araw nang sarhan ni Hezekiah ang librong binabasa. Nilingon siya ni Orion.

"Uuwi ka na?" May panghihinayang ang guwapo nitong mukha. Tumingin siya sa labas, may kabang nararamdaman tuwing nagdidilim na. Kahit hindi niya sabihin sa ina ay nagkaroon siya ng trauma sa pangyayari, takot siya sa dilim at kasali na roon ang pagpikit ng mga mata.

Frat Boys Series 1: OrionWhere stories live. Discover now