Kabanata 14

76.7K 4.4K 1.9K
                                    


"Bakit kasi hindi pa kayong dalawa na lang ni Domini?"

Pasikretong ibinulong Mama Len sa balikat ni Hezekiah, naghahanda sila ng mga plato para sa barbecue roon sa backyard. Hindi niya halos namalayan ang paglipas ng halos dalawang taon dahil sa pamilya ni Domini na simula't sapul ay naging mainit na ang pagtanggap sa kanya. it is more than what she had at home. A family that works in the morning and cozy up on Tv shows at night. Hindi siya nagkaroon ng ganoon noon pa.

Maraming pagkakataon na nalulungkot pa rin siya pero mas marami ang mga pagkakataon na kagaya nito, may kasama siya. Minsan ay nilalakad pa nga ni Mama Len ang apartment niya para magdala ng paborito niya kapag gagabihin siya sa trabaho or school, alam nito pati ang door code niya at ipinglilinis pa siya ng apartment na parang nanay. Hindi tuloy naiwasan na mas mapalapit siya kay Mama Len.

"Ewan ko diyan sa anak niyong fckboy. Hindi ako type." Bulong niya pabalik. Parehas sila ng tinitingnan na direksyon, si Domini at ang bago nitong girlfriend na Pinay nurse.

"Maniwala ka riyan na hindi ka type." Umirap si Mama Len. "Alam mo, nagsisisi talaga ako at pinilit ko pa yan magpatuli, sobrang proud yata ipakita sa buong London ang t*ti e. Pang-ilan na ba niya yang babae niya?"

"Celeste. Letter C na tayo, Mama."

"C? E di ba yung nakaraan Victoria ang pangalan 'non?"

"Yes, nakakatatlong ikot na po tayo sa alphabet." 

"Kuuu! Pipingutin ko yang batang yan mamaya! Hindi por que kumikita na siya ng sarili niyang pera e babalewalain na lang niya ang mga pangaral ko! I am still the mother!" Gigil nitong sinabunutan ang hawak na dish towel.

"Hayaan niyo na yan si Domini, Ma, ang wrinkles.." Malambing na paalala nya, kumalma naman ito at huminga ng malalim.

"Hindi na bale, ipapakilala na lang kita sa paborito kong pamangkin para pamilya pa rin tayo kahit anong mangyari."

Nakihalubilo sila sa pamilya ni Domini na naroon sa likod-bahay at nagluluto ng barbecue, bitbit nila ang plates at Kare-Kare na pinagtulungan nilang lutuin kahit madlimi pa kanina. Ramdam ni Hezekiah ang swerte sa pamilya Garcia-Croix na hindi siya pinapabayaan.

Kahit nagtatrabaho siya sa grocery store para suportahan ang pag-aaral, hindi siya hinuhusgahan ng mga ito. Hindi niya akalaing maikukwento niya ang buhay niya sa Maynila sa ibang tao.

"Ia, ito yung anak nung kapatid kong si Dondon. Dito na yan lumaki pero purong pinoy. Kakagaling lang sa US niyan at ngayon, graduate na kaya bumalik na rito sa UK. Marunong ka pa bang magTagalog, Finn?" Hawak hawak siya ni Mama Len sa braso.

"Oo naman, Tita." Umakbay si Finn kay Mama Len nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Gwapo rin ito, moreno at Pinoy na pinoy. 

"Hello, welcome to the fam—"

"Ia, let's go." Hinila ni Domini ang kamay niya bago pa man din niya maiabot ang kamay kay Finn. Hindi nito pinansin ang pagtawag ni Mama Len, kinaladkad na lang siya papasok sa bahay.

"Ano ba? Domini!"

"'Di ba ngayon ang results ng exam mo sa Economics?" sambit nito na parang hindi rin narinig ang pagtawag ng ina pati ni Celeste.

"Oo, mas excited ka pa sa akin, ha?"

Binuksan na nito agad ang laptop at itinulak siya para maupo sa carpeted na sahig. "Of course, I am the number one fan."

Alam na alam ni Domini ang student number niya pati kung paano iba-browse ang school website nila. Nakasimangot naman siya na gusto nang bumalik sa backyard para kumain.

Frat Boys Series 1: OrionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora