Kabanata 3

105K 4.6K 1K
                                    


Hindi mapakali si Hezekiah. Lunes iyon. Nabasa na niya ang libro kahit parang bawat pahina non ay naiimagine niya si Orion pero kinailangan niyang mag-focus dahil baka may pa-question and answer si Orion over lunch. After all, what's there to talk about aside from the book that they both read?

Pero siyempre, handa siya, nagdala pa rin siya ng baon na pagkain. Ano bang malay niya kung iaabot lang pala niya ang libro sa Gonzaga hall kasi iyon ang common area sa kanilang school? Right, imposible namang papuntahin pa siya sa building ng department nito para lang sa libro. Maybe he's having lunch with friends at dadaan siya para magsauli.

Nagdalawang tingin siya sa salamin sa ladies room ng kanilang school.

"Eh bakit ka naka-make up?" Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon niya. Her make-up is still light. Binigyang kulay lang niya ang kanyang labi at pisngi. Sinuklay lang niya ang kilay at kinulot ang mahabng pilik-mata.

Nag-spray din siya ng paboritong pabango, ang Dolce & Gabbana-light blue. Truly, she's not rich, but she has a good taste. Simple but classy ang kanyang pormahan tuwing pumapasok sa school.

11:45 nang magsimula siyang magmartsa patungo sa Gonzaga, siguro ay lunchtime siya darating doon. Hinahangin ang mahaba niyang buhok na kinulot niya sa dulo. Ninamnam niya ang preskong hangin mula sa napakaraming puno sa kaniyang unibersidad. Hay, sana naman sa pagtatapos niya ay nakasakay siya sa magarang sasakyan dahil may boyfriend na siyang rich kid.

Hindi siya nakikinig sa nanay niya na ang mayayaman ay para lang sa mayayaman. She believes in... well, trade-off. Hindi ka nga mayaman, maganda at sexy ka naman, may value ka pa rin. Ganoon din ang matatalino o ang mga magagaling sa sports, we will all excel in life, hindi nga lang pare-parehas. Isa pa, madiskarte siya, kaya naniniwala siyang maachieve niya ang kanyang #SocialClimberGoals.

Nasalubong niya ang napakaraming estudyanteng labas-pasok sa Gonzaga, ang ilan ay tapos nang kumain at ang ilan ay umiikot sa mga stalls ng gustong kainan. Nakasukbit sa kanyang balikat ang kanyang shoulder bag canvas bag na bumagay sa kanyang simpleng blue scoop skirt at skinny jeans. Napatingin siya sa tinitindang set meal doon sa isang stall, one hundred pesos. Napasimangot siya, singkwenta nga lang ang baon niya, pamasahe lang iyon, wala na siyang budget para sa lunch kaya siya nagbabaon ng pagkain.

Hindi pa nagtatagal umikot ang mga mata niya nang makita ang hinahanap. The huge guy in his blue jacket waved at her. He was alone and even though he's enticing to be with, he's intimidating enough that people chose to share tables with the other students than this demigod.

The fact that a good-looking man such as Orion waited for her in the school canteen made her smile internally. Ganda mo, ghorl.

Mabilis niyang kinuha sa kanyang bag ang librong hiniram niya sa Frat House ng Delta Kappa habang naglalakad patungo sa direksyon ni Orion, she know her play. She slid down the book smoothly on the table and smiled confidently.

"Nice book, thanks!" She casually said.

Orion took the book and shrugged. Tumalikod na si Hezekiah, umaasang habulin ni Orion pero nakalabas na siya ng Gonzaga ay wala pa ring Orion ang sumunod sa kanya.

'Huwag kang lilingon, huwag kang lilingon...' Napapikit siya habang nakakuyom ang kamo na lumingon para lang madismaya. Wala talaga si Orion. Hindi siya sinundan. Umirap siya sa hangin.

Fine! Next..

--

Dahil sobrang aga niya para sa 3PM class niya, nagpunta na lang siya sa Zen garden para maghanap ng bench na pupwedeng maupuan. Naiinis siyang pumayag siya sa 'lunch time sa Gonzaga' eh hapon pa naman talaga ang pasok niya. Sana sinabi niyang, 'I am sorry, my class is in the afternoon pa, would it be okay if we meet after my class?' pero hindi, namanhid ang dila niya nakaharap lang ng sobrang pogi na mayaman.

Frat Boys Series 1: OrionМесто, где живут истории. Откройте их для себя