Kabanata 12

71.8K 3.7K 1.4K
                                    

Wholesome ito!


---

Panay ang lingon ni Hezekiah sa paligid kung susulpot ba si Orion. She felt relieved na napagsabihan niya ito. Bahala na kung hindi siya nito mauunawaan basta ang mahalaga ay naibuhos niya ang saloobin niya.

Siguro ay kailangan niya na lang tanggapin na panandaliang dumaan si Orion sa kanyang buhay para makalimutan niya ang masalimuot na pinagdaanan noong nakaraan. A blessing yet also pain in disguise. Ituturing na lang niya ang mga araw na kagaya ng dati. Focus on her goals, iyon naman ang dapat.

Pumasok sa loob ng classroom ang kanilang propesor na si Binibini Magracia. She sat on her table as usual pagkatapos ay may kinuhang libro at sinipat iyon. Nagtataka nitong binasa ang nasa unahang pahina.

"Hezekiah, naiwan mo ang aklat mo sa lamesa ko."

"Binibini?"

Tumayo ang magandang guro at dinala sa kanya ang libro. "Property of Hezekiah Cruz. Hindi ba't ikaw iyon?"

Kinuha niya ang libro at nagtataka niyang binasa ang cover. 'Eleven Minutes by Paulo Coelho.'

Kapag binuksan ang libro, makikita sa unang pahina ang pangalan niya.

"Ano yan, peace offering?" Tumaas ang kilay ni Becca na halatang puyat na puyat mula sa clubbing kagabi. Muli itong yumuko at nagtago sa likod ng libro para matulog.

Napangiti siya pero muling sumeryoso, pinigilan ang emosyon. She should focus on her dreams. Diretso lang dapat ang kanyang tingin. No distractions.

Nang matapos ang kanilang klase ay nagpaalam muna ang kanyang mga kaibigan para umuwi. Hindi nila mapigilan ang antok sa sobrang pag-party kagabi. Samantalang siya ay gusto munang mag-basa ng ilang pahina sa ilalim ng puno. Mahigpit ang hawak ni Hezekiah sa libro, it was the first time that she got herself her a new book of her own. Hindi hand me down o iyong binili sa Recto. It is her own fiction book from one of her favorite writers.

"Yes, Orion asked me out tonight." Napaangat siya ng tingin sa nagsasalita. That was the girl from yesterday. May mga kasama itong nagkukwentuhan at napadaan sa direksyon niya. Natulala siya ng kaunti, pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

Maybe that's how it is. Sa susunod na mga araw ay makakasanayan na lang niya na may iba na itong babaeng kinakasama, hindi na siya. Maybe the book is his final goodbye. At least he remembers. Tiningnan niya ang orasan at napansing kailangan na niyang umuwi. Part of her misses him, but part of her ignored that feelings. Idinaan niya sa paglalakad mula sa campus ang kanyang pag-iisip.

Truly, hindi niya na nga nakita ang binata. Ni hindi man lang siya pinadalhan ng mensahe para magtanong kung natanggap na niya ang libro. 

Natigilan siya nang malapit na siya sa entrada ng kanilang baranggay. Police cars were all over the place. Nakapalibot ang mga tao. Hindi nakakilos ang mga paa niya kahit hindi niya alam ang nangyayari. Her chest pounded hard, as if para sa kanya ang tagpong iyon.

"Tumatakbo!" She heard a man's voice said. Mas lalong nagkagulo ang mga tao. Nag-ingay at wala siyang maintindihang salita.

"Habulin niyo!" May isa pang utos.

Pinanlakihan siya nang mata nang makitang tumatakbo si Daisy patungo sa kanya. Taranta ang mukha nito at hindi naman din siya nakikita. Ang inuuna nito ay ang makatakbo papalayo.

"Hindi ako pusher!" Palahaw ni Daisy.

"Nay!" Tawag niya pero hindi siya nito narinig, nagpatuloy lang ito sa pagtakbo. Sinubukan niyang habulin ito, "Nay!" Ulit niya pero hindi niya pa rin nakuha ang atensyon nito. 

Frat Boys Series 1: OrionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang