Kabanata 5

103K 4.7K 1.5K
                                    


"Based on the medico-legal, the victim, Hezekiah Cruz obtained vaginal lacerations due force entry." Binasa ng babaeng pulis ng Woman's Desk ang resulta sa harap ng hepe ng kanilang presinto. Nakatulala lang si Hezekiah at blangko ang tingin kay Gardo at sa dalawa pa nitong kasama na pawang kababata rin niya, si Toto at Balong.

"Walanghiya ka! Napakawalanghiya mo, Gardo! Napakawalanghiya niyo!" Galit na galit si Daisy habang malakas ang hagulgol sa sobrang sama ng loob. Nanginginig ang buong katawan ng ina niya pero hindi niya ito pinigil nang sabunutan sina Gardo, walang umaawat, kahit ang hepe ay dinuraan sa mukha sina Gardo sa sobrang galit. Ang sabi sa kanya ng isang pulis, tiyak na makakatikim ang mga ito ng party sa loob ng selda, sasabihin daw niyang huwag tumigil hangga't hindi nagkukulay talong ang mga ito.

Galit sila sa rapist, mas lalo siya. Hindi siya papayag na hindi mabulok sa bilangguan ang mga lalaking gumagamit ng pwersa sa mga babaeng hindi sila gusto. Hindi sila maaaring mabuhay at tapakan ang kahit sinong babae dahil lang mga lalaki sila.

Titig na titig lang siya kina Gardo at sa mga kasama nito. Blangko ang mga mata niya. Hindi niya matawag na hayop ang mga ito dahil mas malala pa ang mga lalaking iyon sa hayop.

"Hezekiah!" Lumuhod si Gardo mula sa kinatatayuan nito, pulang-pula rin ang mukha, walang tigil sa pag-iyak, bakas ang takot at hirap sa tinamong bugbog mula sa mga pulis. "Hezekiah, hindi ko itinuloy. Hindi ko ginawa..." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi nito simula noong binitbit ito ng mga pulis doon sa kanilang tahanan. Umalingawngaw ang pangalan niya sa kanilang purok kakangawa ni Gardo. Hindi daw siya ginahasa, hindi daw niya naituloy, wala daw siyang ginawa.

Hindi niya pa rin kinausap si Gardo.

"Hezekiah, tumira kami ng droga 'non nila Balong pero malinaw pa ang isip ko. 'Nong may sumigaw ng tokhang, nagsitakbuhan kami papalayo dahil ayaw naming mahuli. Iniwanan ka namin doon. Hezekiah..."

Hindi siya kumibo. Sa tabi ng hepe ay si Chief Greg, ang may-ari ng Penpen, nakakuyom ang kamao nito, kahapon pa ay sinapak nito agad si Gardo at ang mga kasama nito. Kung hindi napigilan ay babarilin na sana ito at papalabasing nanlaban.

"Kung nagahasa ka, hindi kami ang gumawa.. Hindi ako, Hezekiah."

"Chief gusto ko na pong umuwi." Usal niya.

Ilang beses sumigaw si Gardo, nagmamakaawa. Pati ang mga kaanak nito na hindi pinapapasok sa loob ng presinto ay ibinuhos ang galit sa kanya nang makita siya.

"Hindi si Gardo ang tumarantado sa'yo! Kasama ko siyang tumakbo sa mga parak nang gabing 'yon!" Sigaw ng tiyuhin ni Gardo na kilalang runner ng droga sa kanilang lugar. Wala siyang sinabi kahit isang salita. They do not deserve her words, or her reaction. Hindi naman nila mauunawaan ang lenggwahe ng isang taong kagaya niya, they are not even animals, kasi kahit ang hayop, may puso, pero sila ay wala.

Hindi por que sa squatters nakatira, kailangang maging addict, magnanakaw o rapist ka na pero iyon ang masaklap na katotohanan sa kanilang purok. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ginustong masanay sa ganoong pamumuhay, hanggang naging biktima na nga siya ng pesteng lugar na kinaayawan niya. Of all people, siya pa.

Sumakay sila sa lumang kotse ni Chief Greg papauwi sa kanilang tahanan. Panay ang mura ni Chief Greg habang kinakausap ang kanyang ina na para bang iyon lang ang tangi nitong magagawa sa kabila ng nangyari sa kanya. Humingi ito ng tawad. Sana raw ay idiniretso na sa kanya ang ginawa ni Gardo para madaling ipatumba. Hindi pa rin siya nagsasalita. Tumitingin sa paligid na inihiwalay sa kanya simula nang magkamalay siya.

Merong mundo, at merong squatters. Hindi nahahati ang mundo para sa kanilang mahihirap dahil hindi nila maaangkin kailanman ang mundo. The world is meant for people who have the means to survive without killing for food and survival. Tiningnan niya ang mga naglalakad na mga estudyante na mula sa kanyang unibersidad, nagkukwentuhan, masaya, nakangiti, walang kamalay-malay na ang isa nilang kaeskwela ay napagsamantalahan sa squatters' area kung saan siya nakatira.

Frat Boys Series 1: OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon