Kabanata 1

144K 5.4K 1.1K
                                    

For better reading experience- Orion (O-ra-yon)

Hezekiah (Hes-ka-yah)

Ia (I-ya)

--

"Sige, igiling mo pa! Lambutan mo pa!" Pinagpawisan si Hezekiah sa pang-eengganyo ng kanyang ina. Tanghaling tapat pero todo kayod na silang dalawa sa club kung saan Mamasang ito.

"Nay naman, hindi ko nga forte ang pagsayaw. Ang kulit mo naman."

"Aba, Hezekiah. Kung hindi ka gigiling, hindi tayo kakain. Paano na si Natoy? Nag-aaral pa ang kapatid mo."

"Ako rin naman, nag-aaral, Nay. Ang dami ko kayang requirement sa school."

"Eh gaga ka kasi. Kundi ba naman isang kilo kang tanga, bakit ka pumasok sa eskwelahan ng pang-mayaman? Sana ay iyong binibigay ng ama mo ay pinangkakain na lang natin."

Sumimangot siya, "ayoko nga, Nay. Kapag ganon, 'e di habambuhay na lang tayong mahirap? At least more chances of winning kapag napapalibutan ako ng mayayaman. Kapag makatisod ako ng mayaman e di instant, yayaman agad tayo."

"Gaga ka talaga!" Napakamot ng ulo ang nanay niya. "Sa tingin mo may magseseryoso sa iyo kapag nalamang pokpok ka at pokpok ang Nanay mo?"

"Malay mo naman, Nay. At saka kung hindi man, kapag nakatapos ako ng pag-aaral e di makakapagtrabaho ako ng maayos. Maiaalis ko rin tayong dalawa rito. Alam mo namang may expiration ang tulong sa akin ni Tatay. Muntik pa nga akong hindi maambunan ng tulong. Kundi ko pa blinackmail na magpapakilala ako sa mag-ina niya, hindi ako tutulungan. Pumirma rin ako na apat na taong tuition sa kolehiyo ang sagot niya pagkatapos ay wala na. Siyempre, pinili ko na ang pinakamaganda at pinakamahal para sulit. Hindi naman tumanggi. Ang dami sigurong pera nun, Nay?"

"Oo, marami talaga. Hindi man lang tinumbasan ang pepe ko ng malaki-laki. Binigyan pa ako ng anak."

Napakamot ng ulo si Hezekiah. "Si Nanay naman, kung makapagsisi. Naririnig ko ho kayo. Hindi ako bingi. Bakit sa tatay ni Natoy hindi ka galit?"

"Syempre walang pera ang Tatay ni Natoy, wala talaga akong aasahan, e yung ama mo? Limpak limpak ang salapi 'non kaya nagpa-putok ako sa loob. Akala ko naman mapipikot ko. Aba, nagising na lang ako sa Basilan. Ipinatapon na pala ako nung nagsabi akong jontis na ako. Mabuti at nakaipon ako ng pamasahe pauwi sa Maynila."

Isa iyon dapat malungkot na istorya pero natawa si Hezekiah. Naimagine niya ang nanay niya na walang kamalay-malay na binitbit sa ibang lugar.

"Hayaan mo, Nay. Ibabawi kita sa Tatay. Pagsisisihan niyang hindi niya ako anak. Balang-araw, magpapatayo ako ng girlie bar na mas malaki pa sa Pegasus, Classmates at Air Force One, ikaw ang gagawin kong Ultimate Mamasang ng Taon. Ang kaisa-isang Reyna sa lupon ng mga pokpok."

Binatukan siya ng ina. "Pinaglololoko mo na ako, e. Sige na, kumendeng ka na don. Isa na lang bago ka pumasok para mamaya aakyat ka na lang sa stage. Huwag kang magpapahuli. Baka sabihin nila por que anak kita, hinahayaan kitang ma-late."

"Alam mo, Nay, sa lahat ng Nanay, ikaw ang priority ang pagpo-pokpok kaysa sa pag-aaral." Reklamo niya.

"Sige na, sige na. Pupunta lang ako sa kusina at aayusin ko ang baon mo."

Ipinalibot ni Hezekiah ang kanyang mga mata sa maliit na club na pinagtatrabahuhan niya. Ito na ang mundo niya simula pagkabata. Dito nga siya natutulog dahil walang magbabantay sa kanya tuwing rumaraket ang kanyang ina. Walang tiwala si Daisy sa kanilang mga kapitbahay na halang ang kaluluwa kaya kahit hindi dapat ang bata sa isang club kung saan nagaganap ang lahat ng klaseng kamunduhan, doon siya pinalaki. Sa dressing room siya natutulog, sa ilalim ng cabinet kung saan nakasabit ang skimpy costumes ng mga dancer.

Frat Boys Series 1: OrionWhere stories live. Discover now