Kabanata 16

66.4K 3.7K 1.2K
                                    


One thing about airports, it's balanced. Parehas merong lungkot at saya. May mga taong malulungkot dahil papaalis at iiwan na ang kanilang mahal sa buhay at merong masaya dahil magkikita na silang muli ng mga taong mahal niya.

Hezekiah was feeling both. Ang pitong taong buhay niya, heto't iiwanan niya na. It was all the she know, ang Uk, ang mga briton, ang accent, even the French language was her familiarity. She does not remember if she can sit well will all year summer. She loves four seasons, kasi ang bilis ng pagtuldok ng panahon, pagkatapos ay may bago na namang darating. Masaya rin siya, she'll be truly home. Kung tutuusin kahit naging malupit sa kanya ang Pilipinas, ito ang nagmulat sa kanya para mangarap at lisanin ito.

Nang umupo si Hezekiah sa eroplano ay alam niya agad na tahanan niya iyon. Halos lahat ay nagtatagalog, masasaya ang boses at lahat ay gusto na agad lumapag sa Pilipinas. Samantalang siya ay hindi maipinta ang mukha. Iniiwasan niyang mapatingin sa bintana ng eroplano na may repleksyon ng kanyang imahe. She changed, but her views doesn't. Ganoon pa rin siya, she's been pressuring herself to be the best, para siyang nakikipaghabulan lagi. Ganoon pa rin pala siyang uuwi. Nagmamadali. 

They've been flying for six hours now at hindi man lang siya dalawin ng antok. Nagulat na lang siya nang may isang batang tumakbo sa direksyon niya nang halos lahat ay tulog na. Sumiksik ito sa kanyang business class seat at nagkasya naman silang dalawa, the boy felt comfortable in an instant.

"Do you know the story of the Little Prince?" A very cute baby boy asked her. May yakap itong libro at nangungusap ang mata.

"Where's your Mom?" Iyon ang awtomatiko niyang tanong.

"I am with my Yaya but she's asleep." Itinuro nito ang isang upuan sa likuran ng business class seat. Tumango siya at hinayaang tumabi sa kanya ang bata, feeling close ito.

"What's your name, handsome?" She asked while scanning the boy's face. Mahaba ang pilik mata nito at makapal ang kilay kahit bata pa lang. May malalim na dimples din sa magkabilang pisngi. His hair is curly, parang iyong mga paintings ng cherubim. 

"My name is Gunner." Lumabas ang dimples nito. 

"I am Auntie Ia, nice to meet you, Gunner!"

Hindi siya mahilig sa bata pero hindi niya alam kung bakit may instant connection siya kay Gunner. Maybe because he asked her about the Little Prince. She missed her books but she has read one fiction since then, pagkatapos ay wala na. Wala na siyang ibang binasa pa.

Binasahan niya ang bata ng istorya sa mahinang boses, nagtatanong ito kahit na ipinipilit na hinaan din ang boses. 

"Did the little prince miss his rose even he finds many look-a-likes on earth?" Gunner asked.

"Maybe."

"The little prince must love the rose then."

"Maybe."

"He shouldn't have left, Auntie Ia."

"Well, adults do that all of the time. They see beauty and try to get it, but when they have that beauty, they will see the ugly parts, after they see the ugly parts, they will go away. They will try to find something better, at some point they will think that their first find isn't unique, but a part of them will miss their first... and there will be regrets. They will wish to come back.. but most of the times, it is too late..." Malungkot niyang paliwanag. Gunner was sleeping on her lap. Siguro ay mali ang kanyang paliwanag at hindi naman pambata. Hindi niya mapigilang haplusin ang buhok nito at marahan niyang kinumutan ang bata.

Ilang minuto pa ay lumiliwanag na ang ulap at isa-isang bumabangon ang mga pasahero. Somehow, Gunner got her occupied. Kinakabahan siya at nag-aalala kay Fausto kaya hindi siya makatulog. Paano kung hindi na niya ito abutin pa? Although she already paid the amount he spent for her, she still wants to thank him. Hindi matatapatan ng kahit anong pagbabayad ng utang ang kanyang utang na loob dito. He changed her life. Binigyan siya nito ng kinabukasan.

Frat Boys Series 1: OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon