Kabanata 67

298 14 0
                                    

Maria leonora Teresa's pov.

          Nagaalala na ako. Biglang dumating ang mga bumbero na lubos kong pinasasalamat.

Agad nilang tinupok ang sunog pumasok sila at may inilabas na bangkay. Sunog ang kalahati ng katawan nito. Makikilala mo pa ang kalahati ng katawan niya at si bakla ito! Ang boyfriend ko! Ang Mahal ko! Para akong nanlamig. Ramdam kong nasa lupa akong pero parang nakalutang ang pakiramdam ko. Kung Hindi pa ako sisigawan nila kuya hindi pa ako makakabalik sa realidad. Sumakay agad akong sa ambulansya hawak ko ang kamay Niya. Umiiyak ako. Akala ko patay na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob pero Sana maging okay siya Mahal na Mahal Kita bakla!

-
Nang madala siya sa hospital agad siyang dinala sa er. Kononfine din si kuya. At ginamot naman ang mga sugat ng kasamahan namin. At ako? Nakatulala Hindi maproseso ang mga nangyari. Naguguluhan at para akong nakalutang. Masaya na kami eh okay na kami. Pero bakit may ganto pa? Bakit nangyayari to? Pwede namang masaya na lang kami. Alam kong Hindi pwede yon pero grabe naman ata to.

Wala sa sarili na pumunta ako sa chapel ng simbahan. Lumuhod ako at nagdasal.

Lord Alam ko pong marami na akong hiniling say buhay ko at nagpapasalamat Po ako sa inyo na lahat Ng iyon ay natupad. Maraming salamat Po talaga. Pero gusto ko Po sanang humiling ulit. Pls Po. Buhayin niyo si bakla,si Mario Po. Nagmamakaawa Po ako. Kapag po nabuhay siya. Magiging mabait na Po ako. Plss Po. Lord thank you Po sa inyo in advance. Thank you Po uli. Amen.

Dasal ko habang ang mga luha sa Mata ko ay patuloy na umaagos. Hindi ko kaya kapag nawala siya. Kung mawawala siya para na rin akong nawala. Para na din akong mamatay.

Pero kailangan kong magkatatag para sa kaniya.

Lumaban ka bakla. Mahal na Mahal Kita.

-
Nasa ICU na inilagay si bakla andaming aparato ang nakalagay sa kaniya. Okay naman daw siya pero nacoma siya at Hindi pa sigurado Kung magigising siya. Nagundergo din siya sa laser body. Para matagal ang pagkakasunog ang balat niya. Sunog lang naman Wala namang natanggal o nawala.

At ngayon Hindi na sunog ang kalahating katawan niya.

Pero kahit na may bakas pa rin Doon ng pagkakasunog. Okay naman na.

Nandito ako sa tabi niya. Iisang tao lang ang pwede dito sa loob Kaya ako lagi ang nandito. Uuwi lang ako para maligo. Nagdadala ako ng pagkain at dito na rin natutulog bawal daw matulog dito Kaya kwarto ako ni kuya nagpapahinga. Nakaconfine pa rin si kuya dahil pinapagaling pa ang mga sugat niya.

Nakakalungkot ang mga nangyayari.

Kaya Sana maging okay na ang lahat.

Magising na si bakla dahil Mahal na Mahal ko siya.


Written by:CarlaJade

A/n: Thank you sa pagsuporta!

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now