Kabanata 14

674 30 1
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

      Napatulala siya. Nanlaki ang mata niya.

"Pero bakla were bestfr---"

"Alam ko"

Natahimik siya. Tumingin ako sa kaniya. At nakita kong di talaga siya makapaniwala.

"You know you don't have to answer, I like you okay? Pero hindi naman kailangan may sagot agad"

Di siya nakapagsalita. Nanatili siyang tahimik hanggang sa nagring yung bell. Hudyat na tapos na ang lunch break. Agad akong humiwalay sa pagkakayakap niya sakin. At naglakad palayo.

Palayo sa kaniya.

-
Uwian hindi kami nagsabay. Nauna ako sa kaniya. Ang rinig ko eh may kasabay naman siya kaya hindi Niya naman ako kailangan.

Umuwi ako ewan ko ba pero naglakad lang ako. It's already 3 pm in the afternoon. Naglalakad ako at nagiisip.

Wala ata ako sa sarili. Ang lalim ng iniisip ko. Masakit pa rin. Alam ko naman na best friend lang kami. At bakla siya alam kong hindi niya ako magugustuhan kasi babae ako at lalaki Ang gusto niya. Pero masakit talaga.

Ang sakit.

Ang sakit-sakit.

-
Nakarating ako sa apartment ko around 4:45 pm. Tinignan ko lang yung apartment niya. Siguradong iiwasan niya ako at yun ang masakit.

Kinuha ko ang susi ng apartment ko at binuksan ito. And I see nothing. Malamang magisa lang naman ako dito.

Agad akong nagbihis at nagluto ng pagkain. Usually kasi mga gantong oras pumupunta na siya dito at makikikain. Pero peste! Mukhang di na yun mauulit.

Masakit pero kailangan tanggapin.

Nang maluto Ang ulam eh agad akong naghanda. Magsisimula na Sana ako kumain ng may kumatok.

Agad ko namang binuksan at nakita ko si bakla. May dalang topperware. At may sulat. Kinuha ko naman yun at umalis na siya. Nagtataka ko siyang tinignan.

Agad naman akong pumasok at kinuha Ang sulat don.

Dear bakla,

    Sorry ha if di ako sumagot sa sinabi mo. But we can still be friends. Can we? Sorry bakla. Corny man tong way ko ng pagsasabi ko sayo eto lang kasi yung paraan para masabi ko yung nararamdaman ko. If okay ka na you can knock my door then will back babalik natin yung dati na parang walang nangyari.

       Bye bakla

                                       Love
                                   Maria

Basa ko sa sulat niya. Handa na ba talaga ako? Handa na ba ako maging kaibigan Niya lang kahit Ang totoo gusto ko ng higit pa don? Masisi niya ba ako? Kung nasasaktan ako? Kung nagseselos ako kapag may iba siyang kinakausap na babae?

What the heck!.

Ano bang pinagsasabi ko I like him that's all.

A/n: hakdog ba kayo? Sagot hahaha

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now