Kabanata 15

651 30 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

Ilang linggo na akong umiiwas sa kaniya mabilis ba talaga ako? Hindi ko siya pinapansin. Minsan eh inaabangan niya ako tuwing lunch break pero tumatakas ako o di kaya gumahawa ako ng dahilan para hindi kami magsabay.

Para Hindi na ako masaktan. Amporky lang kasi gusto ko lang naman siya pero daig ko pa broken hearted sa sobrang sakit. Tsk!

So ayun nga magisa akong kumakain sa canteen. May gustong sumabay pero ayoko. Kadalasan puro lalaki. 

Hinahagilap ko naman si bakla ng mata ko pero di ko makita. Tsk! San ba yon nagtatago. Makapaghanap ako eh ako din naman pala nagtataboy hahaha.

Okay stop na.

Pero seriously hindi Niya ako inabangan ngayong breaktime. Sabi naman ng co-teachers ko pumasok naman daw siya. Eh nasan na yun? Tsktsk.

After kong maglunch class went well. Nakaugalian ko na ring maglakad kapag uwian. Exercise na rin at Hindi sayang sa pamasahe. Ayos lang maging pawisan pauwi ka na din naman.

Nang makarating ako sa apartment ko eh. May narinig akong nabasag galing yun sa apartment ni bakla. Nanlaki Ang mata ko agad akong nagbihis at pumasok sa apartment niya nakita kong nakahiga siya at walang malay.

Nang sapuin ko ang noo niya eh mainit siya. Agad ko naman siyang itinayo kahit ang bigat-bigat niya.

Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Inihiga ko siya kama Niya. Kumuha ako ng towel at plangganang may tubig

Pinunasan ko siya,tinignan ko rin Kung may gamot. Nagluto naman akong mushroom soup para mainitan Ang tyan Niya. Nang maayos na Ang lahat pumasok na ko sa kwarto niya. Nakita kong tulog na tulog siya.

Ginising ko siya.

"Hoy bakla gising na higupin mo tong mainit na soup"

Agad naman siyang nagmulat ng mata.

"Le-onora you-re h-her"

"Oo andito ako Kaya kumain ka na sige na higupin mo to para makainom ka ng gamot. Dali na"

Umupo siya. Sinubuan ko siya at nang maubos niya eh agad ko siyang pinainom ng gamot.

Nakangiti siya.

"You-re he-re ba-bakla"

"Oo andito ako"

"I-iwan mo ba a-ako?"

"No aalagaan kita okay? Don't worry" 

Napatango naman siya napangiti ako.

"I-im gonna sle-ep don-t lea-ve me plss"

"Yes,yes I will never ever leave you so sleep"

"Dito ka lang?"

"Oo"

"D-di mo ko iiwan?"

"Yes"

"Okay I-ll slee-p"

Tumango ako. This side of him makes me

Happy. At lalo ko siyang nagugustuhan.

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now