Kabanata 20

642 27 1
                                    

Maria Leonora Teresa's pov

Nagising ako ng maaga. Ramdam ko pa rin ang kirot ng puson ko. 

Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mata ko si bakla. Bigla naman siyang pumasok may dalang pagkain. At sa tabi nito may gamot. 

"Good morning bakla! Kamusta pakiramadam mo?" Sabi niya.

"Morning medyo makirot pa rin" 

"Oh ito Kain ka muna. At uminom ka na ng gamot"

"Salamat" nginitian ko siya. Na ginantihan niya din ng ngiti.

"Gusto mo subuan Kita?" Tanong niya.

Umiling ako.

Hinayaan niya lang ako. Kumain na ako. Nang matapos eh pinainom niya na ako ng gamot.

Lumabas siya at may dala siyang pang hot compress.

"Oh ito para mabawasan Ang kirot"

Kinuha ko naman yon at na ginamit.

Nakatingin lang siya sakin.

May kinuha siya at nakita kong napkin ito.

"Oh magpalit ka muna para di ka matagusan" Sabi niya.

At binigay na yung napkin.

Kinuha ko naman yon at dahang-dahang tumayo. Inalalayan niya naman ako. Para tuloy akong buntis na inalalayan ng Asawa para maging maayos. 

Dahan dahan akong naglakad ng marating ko ang pinto.

Tumikhim siya.

"If you need me. Call me. Andito lang ako sa pinto."

Tumango ako.

Agad akong nagpalit ng napkin.

At dahan dahang lumabas.

Agad naman niya akong inalalayan.

Nagngitian kami.

Humiga na ako ng maalala kong may pasok pala ako ngayon. Tatayo na Sana ako ng pigilan niya ko.

"San ka pupunta?"

"Papasok sa trabaho"

Umiling siya.

"Nagpaalam na ko"

"T-talaga? Eh ikaw bat di ka papasok?"

"I want to take care of you..."

Tumigil ang mundo ko literal na nag-slowmo Ang lahat.

Nilapitan niya ako at niyakap. Na ginantihan ko rin.

-
Kanina pa kami magkayakap. Lately nagbabago na si bakla. I mean nagiging sweet at caring siya sakin laging may hug at kiss na natatanggap.

Pero hindi kiss sa lips asa tayo mga keber. Sa noo.

Kagaya ngayon kakahalik niya lang sa pisngi ko. Magkayakap kami. At parehong ayaw bumitaw. Nakatitig sa isat isa.

Ang kinis ng mukha nito nakakainggit. Parang di tinubuan ng tigyawat walang kapeklat-peklat.

Ano nga bang sekreto ng mga gwapo na...bakla?!

Charot!

Pinakatitigan ko siya. Ang tangos ng ilong,ang puti ng mukha,at talagang napakaperpekto ng pagkakahugis ng mukha.

Lalo ko siyang tinitigan. Para akong maduduling.

"Hoy bakla matunaw ako! Atsaka stop that stare you know! You look like a rapist duh!"

Binatukan ko siya at inirapan.

"Alam mo ba ha? Na nagsesenti ako"

Inirapan ko siya.

Baklang to na gusto ko.

Written by:CarlaJade

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now