Kabanata 25

579 23 1
                                    

Maria Leonora Teresa's Pov

        4 days, 4 days na wala siya na sarili niya. Para siyang robot. Buhay pero parang patay. Pero di ko siya iniwan ayoko, ayoko siyang iwan kasi.. kasi ano... Basta.

Andito kami ngayon sa kwarto niya. Nakahiga siya. Nakatalikod sakin. Tanghali na at kanina pa siya Hindi kumakain. Kanina pa din ako pabalik-balik para pakainin siya pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko napigilan at niyakap ko siya Mula sa likod. Napapikit ako. Miss ko na yung baklang lagi akong iniirapan,inaasar at nilalambing.

Miss ko na siya.

Naramdaman kong umikot siya. Pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Nagkatinginan kami. Malalim na ang mata niya. Magulo ang buhok.

Hindi talaga kasi siya nagaasikaso maliligo lang ng saglit at hihiga na naman at tutulala.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Bakla miss na kita. Plss. Ayusin mo naman sarili mo Hindi Yan magugustuhan ni tita. Siguro kung buhay siya ngayon pipingutin ka non kasi Ang tigas ng ulo mo. Di ka sumusunod sa dyosang katulad ko" Sabi ko.

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap niya.

"Sorry. Plss tulungan mo ko. Tulungan mo ko to bring back my old self" Sabi niya.

-
After one week. Naging maayos naman Ang lahat. Nailibing si tita. Dito na rin nakatira si Martina. Wala kasing magbabantay sa kaniya doon sa bahay nila. Wala din kasi si Marvin kasi babalik siya ng states for his work. Magpapadala din siya para Kay Martina.

It's saturday. Wala kaming pasok kaya. Pinasiyal namin si Martina to unwind her mind. Bata pa siya kaya alam kong Hindi niya kakayanin.

Dinala namin siya Mall of Asia. Sumakay sa available na rides, kumain at namili.

Andito kami ngayon sa bay area Kung saan makikita mo ang dagat. Nakangiti si Martina sa nakita niya. Tuwang tuwa siya. First time niya daw kasi makapunta dito.

Na ikinatuwa ko naman.

Nakaupo siya Doon sa may semento.

Napatingin ako kay bakla. Medyo umokay-okay na siya. Nakakapagtrabaho na ng maayos. Lalo din siyang naging responsable dahil Kay Martina.

Nang mapagod kami agad kaming umuwi. Nang makarating eh akmang palalabasin na namin si Martina ng nakita naming tulog siya. Napatawa kami.

Binuhat siya ni bakla at dinala sa kwarto niya. Ako na Ang nagpalit ng damit sa kaniya Kay Martina.

Lumabas ako. Nakita kong topless si bakla. Omaygas Ang abs. Bat may abs diba bading?

My virgin eyes.

Naramdaman Kong may yumakap sakin sa likod .

"You know Leonora I think I like you too"with his manly voice.

Mygad mahart!

Written by:CarlaJade

A/n: Stay Safe guys!

My Gay Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon