Kabanata 30

552 20 1
                                    

#Nagligawan

Maria Leonora Teresa's pov

         
         Isang linggo ang dumaan at naging ako na lahat. Hindi na bumalik ang step-sister niya kaya okay na siya. Unti-unti na ding nakakarecover silang dalawa ni Martina.

At ako? Eto Mahal pa rin siya.
Kasing tayog pa rin ng building hahaha.

Sa araw araw na lumilipas mas Lalo lang tumitindi itong nraramdaman ko.

Pero ngayong araw sobrang kakaiba.

Hindi niya ako pinapansin simula pa pagpasok ko dito para magluto. Sinusubukan ko siyang kausapin kaso ayaw niya akong kausapin.

Kanina sa sasakyan para akong hangin. Si Martina lang ang kinakausap niya. At si Martina lang din Ang kumakausap sakin.

At ngayong nandito na kami sa school eh sinubukan ko siyang kausapin kaso pagkalock niya sa sasakyan niya agad niya akong tinalikuran. Peste!

Inirapan ko siya sa likod niya. Hello? Andito Po ako? Hindi Po ako invisible!

Ano to prank? Vlogger ang peg niya? Ano to ignoring her prank? Jusko!

Nakakainis na siya. Tsk

Lunch break.

Sumabay ako sa table niya. Pero ang gaga pagkatapos na pagkatapos niyang kumain eh nilayasan ako.

Naiiyak na talaga ako wala naman akong ginagawang masama ha? Okay naman kami. Ha!

Ano bang ginagawa niya sakin. Huhuhu.

After nang klase ko. Hindi ako sumabay sa kotse niya pakialam niya ba! Hindi niya nga ako pinapansin piste!

Lakad lang ako ng lakad. At feeling ko maiiyak na talaga ako.

Hanggang sa makarating ako sa park. Ngayon ko lang to napunta actually akala ko nga walang park dito. Ibang way kasi yung dinaanan ko.

Nagmuni-muni ako. Mga 4:30 na nang napagdesisyunan kong umuwi.

Pagdating ko sa building ng apartment namin eh.

Biglang may tumugtog.

Sorry na by parokya ni Edgar.

At nang magsimula ang kanta. Agad akong naglakad ako. Nakita kong nakahilera sila doon. Lahat halos nang nakatira sa apartment building na yon. Habang paakyat ako tuloy pa rin ang tugtog. Pati bodyguard Doon at may-ari ng mga apartment eh nandon. Nakita kong para silang kinikilig.

Nang marating ko ang floor ng apartment which is 5th floor. Doon tumigil ang kanta.

Lumabas si Martina suot suot ang cute niyang fairy suit. Hinila niya ako papunta sa loob ng apartment ko.

Nang makapasok ako madilim nawala na rin sa tabi ko si Martina. Kinapa ko ang switch.

Nang lumiwanag eh nakita ko ang tarpaulin na may na may nakasulat na.

Sorry na bakla!

Yung sa unang tarpaulin.

Sa ikalawang tarpaulin ang nagpatanga sakin.

Can I court you? Maria Leonora Teresa Macabago?

Written by:CarlaJade

A/n: 😉

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now