Kabanata 16

651 28 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov

Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sakin. Pagtingin ko si Mario. Nakayakap sakin binti panti braso.

At sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin. 

Dahan dahan kong tinatanggal yung braso niya pero lalo lang humigpit. 

"Hoy bakla gising na magluluto pa ako" Sabi ko. Habang pilit na tinatanggal yung braso niya.

Pero hindi pa rin siya gumising.

Ayaw mo magising ha.

Hinipan ko yung tenga niya. Napabalikwas siya ng bangon at nataranta. Tawa naman ako ng tawa.

"You!" Sigaw niya sakin. And his voice his so manly.

"What?"

"Wala"

"Ano nga?"

Inirapan niya ako. At agad na niyakap ng mahigpit nagulat ako. Para akong mawawalan ng hininga. Para akong mahihinatay anytime. Jusko! Bakla! Tigilan ako!

"You!"

"Ano ba yun?"

"I miss you"

Bigla parang tumigil Ang mundo ko.

"H-ha?"

"Sabi ko i miss you"

"Bakit mo ko namiss?"

"Syempre kaibigan kita, best friend ganon"

Kaibigan. Tsk kainis naman tong baklang to. Pinakilig ako tapos sabay sinaktan eh kung ipasalvage ko Kaya to.

Tumahimik lang ako.

"Hoy bakla sorry na" hingi niya ng tawad.

Hindi ako nagsalita. Nakayuko lang ako habang yakap yakap niya pa rin ako. Katahimikan.

Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sakin.

Halos mapugto na talaga Ang hininga ko. Parang aatakihin ako sa puso.

Walang nagsasalita parang walang dumadaan na ang hangin sa pagitan namin. Napatingin ako sa mukha niya. Kita kong nakapikit siya. Para bang ninananmnam Ang bawat sandaling magkayakap kami.

"Bakla say something" Sabi Niya.

Pero nanatili akong tahimik. Ayoko magsalita kasi baka maputol ang mga sandali. Baka pag nagsalita ako. Baka humiwalay siya sa pagkakayakap sakin.

Dahil umaasa ako na magugustuhan niya rin ako. Umaasa ako na hindi lang hanggang kaibigan ang turing Niya sakin.

-

Matapos ang makapagdamdamin na patawaran. Eh nagkaayos na din kami. Pero andun pa rin yung chance. Na baka magustuhan niya rin ako. Nagluluto ako ngayon andito sa apartment ko andito din siya pero nasa sala siya.

Nanonood ng tv. Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. Tapos na rin akong magsaing. Tahimik at tanging tunog ng tv at niluluto ko ang maririnig mo. 

Hindi ako sanay. Dati dito siya tatambay at magtatarayan kami. Tsk! Ang gaga mo talaga Maria Leonora teresa. Bat ba ang haba ng pangalan ko? Hahaha.

Natapos na ako magluto naghanda na ako ng mga Plato at kutsara,tinidor at baso.

Pagkatapos eh agad ko siyang tinawag.

"Bakla" tawag niya sakin.

"Bakit?"

"Alam mo ba may gwapo sa department"

"Oh ano ngayon?"

"Share ko lang,sungit naman nito"

"Pakealam mo?"

Inirapan niya ako. And I know that...

My bakla is back

Written by:CarlaJade

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now