Kabanata 52

355 15 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

        Nagpalipas muna kami ng mga ilang minuto. At nagimapake na kami. Dinala ko lahat ng mahahalagang bagay sakin. Pinatay ko ang gps Ng cellphone ko. Tinext ko na rin si kuya sinabi ko na pansamantala akong mawawala. Limang malalaking bag ang dala namin. Sa kotse kami ni Mario sumakay ni Martina. Si Marvin naman may sariling sasakyan Kaya Doon na sumakay si Jada.

Sinusundan lang namin si Marvin. Wala kaming alam Kung saan kami patungo.

Basta ang alam naming dapat maging ligtas kami.

Maya maya eh narating namin ang isang lumang bahay. Mukha ilang henerasyon na ang tumira dito.

Lumabas si Marvin at binuksan niya ang malaking gate. At ipinasok ang sasakyan namin. Nang mapasok eh pinarada nila sa paradahan ng kotse. Puro halaman ang makikita mo.

Deretso kami sa front door. Pumasok kami. Mukhang bago pa ang gamit doon. May kalumaan man pero Hindi yon nakakasira sa tunay na ganda ng bah-ng mansion na to.

Sobrang laki as in. Kakasya ata sampung pamilya dito.

At dahil sa pagod sa pagtakas factor naupo kami sa malaking sofa. Mamaya na lang ako magtatanong Kung kaninong bahay na to. Pagod ang mga bibig ko kakasalita.

Napaupo kami lahat. Oo lahat, lahat kami nakaramdam ng pagod kahit wala naman kaming ginagawa.

Nang matapos eh. Agad na tumayo si Marvin. Niyaya niya si Mario na mag-grocery. May malapit naman daw dito na supermarket. Nagsuot sila ng sumbrero at jacket. Magbibigay Sana ako ng pera but they insist.

Nang makaalis sila eh umakyat kami sa second floor. Hanggang second floor lang naman tong bahay na to pero napakalawak.

Lima ang kwarto dito. Sinamahan ko muna si Jada sa pangalawang kwarto nakita kong may crib doon. Ewan ko kung sinandya o nandyan talaga yan.

Inilapag niya ang natutulog niyang baby tulog na tulog. Wala siyang alam sa nangyayari. Inilock di niya ng mabuti ang bintana. At iniwan muna si baby. Pero inaantok daw si Martina kaya pinatulog na din namin siya.

Bumababa na kami ni Jada. Kinuha namin ang bag at umakyat ulit para ayusin to.

Maya-maya eh dumating na sila bakla. Tapos na rin naming ayusin yung mga gamit namin. Ilang grocery bag ang dala nila. Mga nasa kinse pataas. Sobrang dami. Feeling ko dito na kami titira forever and ever.

Inayos na namin yon sa kusina. Nagluto at kumain.

After non sa sobrang pagod na nararamdaman namin pumunta kami sa kwarto kami ni bakla, Martina at ako ay natulog sa unang kwarto. At sila Jada sa pangalawang kwarto.

We slept.

Peacefully.

Written by:CarlaJade

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now