Kabaklaan 6

776 35 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov

      Nang magumaga eh agad akong nagasikaso. Pagkalabas ko ng kwarto narinig ko umiiyak na naman si mama. Agad ko naman siyang pinuntahan. Unti-unti Kong binubuksan ang pinto. Nakita kong nakahiga ito nakatalikod. At yakap na naman Ang litrato ni papa. Nalungkot ako. Araw araw na lang ganito.

Pero okay lang yan labarn lang! Agad ko nang isinara Ang pinto. Nagluto na ako. Habang naghihintay narinig kong bumukas Ang pinto nakita ko si kuya na pagod na pagod.

"Oh kuya kamusta? Bihis ka muna maya-maya eh maluluto na to" sabi ko

"Si nanay?"

"Ayun umiiyak pa rin. Hays. Natatakot na ko kuya baka nakakasama sa kanya yan."

"Bunso wala tayong magagawa. Wala naman tayo gaanong pera pangcheck up."

Napayuko ako naiinitindihan ko naman. Tama siya wala kaming magagawa sa ngayon at alam ko maiaahon ko din sila!

-
Nang makarating ako sa school. Nakita ko si bakla. May ipit sa buhok niya at pula ang labi. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Good morning bakla" bati ko

"Maria ateng ha! Hindi bakla may pangalan ako sister!"

Napairap naman ako Ang arte netong bading na to!

Matapos Ang mahabang diskusyon eh agad na kaming pumasok. Nagsimula ang klase hanggang sa naglunch break.

Pumunta kami sa canteen. Umupo lang ako. Wala na kasi akong pera naubos na. Malayo pa ang sweldo ni kuya kaya tiis muna ako ng gutom. Tumayo na si bak-i mean maria. At parang may hinihintay.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ka bibili?"

Umiling ako.

"Wala akong pera"

Nakita kong nagtataka siya.

"Ah Basta! Wala talaga!"

"Ililibre na lang kita gurl may quiz tayo dapat may laman yang tyan mo para makakopya ako sayo"

"Wag na hayaan mo na"

"Gurl I insist."

Umiling ako pero agad na siyang umorder. Pagbalik niya dalawang tubig at dalawang kanin na may ulam. Natakam naman ako! Kakapalan ko na mukha ko!

"Salamat ha! Babawi ako sayo!" Sabi ko at agad nilantakan ang pagkain.

"Hoy Teresa may tanong ako. Pero kung ayaw mong sagutin ayos lang."

"Ano ba yon?"

"Diba neighbor tayo?"

"Oo"

"Eh kasi ano eh"

"Ano ba yun?"

"Narining ko yung dalawang ale na naguusap. Di naman sa chismoso pero narinig ko yung pangalan mo kaya nacurios ako."

"Oh tapos?"

"Eh narinig ko na baliw na raw Ang nanay mo"

Agad namang nanlaki Ang mata ko.

"Hindi kita jinajudge gurl ha narinig ko lang talaga. So totoo ba yun? Ayos lang kung ayaw mong sagutin alam kong masyadong personal"

"Hindi okay lang"

Ngumiti ako.

-
After naming kumain eh bumalik na kami sa room. Naipaliwanag ko na sa kaniya ng maayos Kung bakit ganon Yung mga sinasabi ng mga tao at naiinitindihan naman raw niya. Mabuti naman.

Nagtuloy-tuloy ang klase hanggang sa uwian ba sabay kami umuwi dahil halos magkatabi lang naman Ang bahay namin.

"Babye na bakla sabay tayo pasok bukas?"  Tanong ko.

Tumango naman siya. Nagpaalam na kami sa isat isa at umalis. Gumaan Ang pakiramdam ko noong nakausap ko si bakla.

Pumasok na ko nakita kong nakatulala si mama. Agad akong lumapit sa kaniya at tumabi nakaupo kasi siya sa sofa namin.
Nagmano naman ako at kiniss siya sa pisngi.

"Ma? Andito na po ako nagugutom po ba kayo?"
Walang sagot

"Ma?"

Nakatulala lang siya hindi siya umiyak nakatulala lang. Hindi niya rin hawak ang litrato ni papa. Na ikinataka ko.

"Ma okay ka lang po ba?"

Tumingin siya sakin at pinasadahan ako ng tingin.

"Ang laki mo na anak. Hindi na nasubaybayan ni mama ang paglaki mo. Sorry ha"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Namiss ko mama ko.

A/n: thank you! Love lots! Staysafe

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now