Kabanata 40

458 22 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

Nang magising ako sobrang sigla ko. 11 na ng makauwi ako sa apartment ko. Nagkwentuhan pa kasi kami ni bakla. Kaya napatagal. 5:30 na nang umaga. Kaya agad akong naligo at nagbihis. At as usual pumunta na naman ako sa apartment ni bakla kumuha muna ako ng ilang frozen foods. Para doon na lang lutuin.

Pagkapasok ko eh si Martina pa lang ang nakita ko nakabihis na siya. Siguro naliligo pa si bakla.

"Good morning martina!" Sabay pisil ko sa pisngi niya

Pero nakayuko lang siya.

"Oh bakit Martina? Bakit ka malungkot? May nangyari ba? Ang kuya mo?"tanong ko.

"Umalis si kuya kanina pa Po ate maria. Binihisan niya lang ako" malungkot na Sabi ni Martina.

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Sa tingin mo San siya pumunta? Wala ba siyang sinabi sayo?" Tanong ko.

Umiling siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan na tawagan siya. Kaso busy ang line niya.

"Wag ka ng malungkot okay? Ako na lang maghahatid sayo ha! Hintayin mo ok wag Kang lalabas magluluto na ako."

Tumango siya. Nginitian ko naman siya. Agad akong dumeresto sa kusina pagkatapos eh kong magluto eh tinawag ko na si Martina at kumain na kami. After non bumababa kami at naghanap ng taxi na masasakyan. Nang makasakay eh nagpahatid kami sa school ni martina. Pagkatapos non eh sa school naman ako nagpahatid. Nang makababa ako at nabayaran ko na.

Pinipilit kong tinatawagan ko si bakla pero Wala. Nag-aalala ako sa totoo lang.

Kaya ng magsimula Ang klase ko Hindi ako masyadong nakapagturo dahil nagiisip ako.

Nagtanong ako sa mga kasama niya sa department pero hindi naman daw dumaan doon.

Haynako!

Sumakay ulit ako ng taxi. At sinundo si Martina pagkatapos. Binilhan ko siya ng pagkain. Hindi ako makaalis kasi baka mapano si Martina Kaya buong araw kami naghintay hanggang sa sumapit ang 8 ng Gabi at oras na ng pagtulog ni Martina eh agad ko siyang pinatulog ayaw niya pa Sana kasi hihintayin niya daw yung kuya niya pero Sabi ko ako na lang maghihintay.

Agad naman siyang nakatulog.

Nasaan ka na ba bakla?!

-
It's already 10 in the evening andito pa rin ako sa apartment ni bakla dahil Hindi ko maiwan si Martina. Kawawa naman.

Haynako bakla! Nasaan ka na ba! Jusko ka makita Kita lang Kita sasakalin Kita!

Kanina ko pa din siya tinatawagan pero laging busy ang telepono niya

Maya-maya eh may kumatok

Sana si bakla na to!

Written by:CarlaJade

A/n: nasaan na si Mario? Tinago niyo ba? Charot

My Gay Boyfriend (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora