Kabanata 21

629 20 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov

Kinagabihan eh sinubukan kong tumayo. Kaya ko naman pero kasi parang nangangalay ako kapag nakatayo siguro kung naglalakad okay pa.

Pinilit ko lang talaga kasi kailangan kong magluto ng dinner namin ni bakla. Nakatulog na kasi siguro kakabantay sakin.

Tumayo na ako at naglakad. Alam kong masyado akong O.A pero ganto na talaga ako. May pagkakataon pa ngang nilalaganat ako eh. Pero iba ngayon may nagalaga kasi saking pogi eh kaso... Bading!

Hahahaha.

Pumunta na ako sa ref tinignan kung anong pwedeng lutuin doon.

Nakita kong may manok doon. At napagdesisyunan ko nang lutuin yon at gawing adobo.

Habang nagluluto napaisip ako.

Hanggang kailan kami ganito?
Hanggang kailan siya magiging sweet at caring sakin.

Nakakatakot kasi may posibilidad na may magbago. Na may mawala.

Nakakatakot isipin na darating yung araw at masasaktan ka.

Na Hindi panghabang buhay tong saya. May kukuha at may kukuha din dito ayawan mo man.

Kasi Hindi lahat ng bagay na nasa sayo na hindi na pwede na angkinin ng iba.

Dahil naniniwala akong sa kasabihan na Asawa nga naagaw boyfriend mo pa kaya.

Charot hahahaha!

Nang kumulo na ang niluto ko at malambot na ang karne eh agad akong naghanda ng pagkain.

Nang matapos eh pumasok ako sa kwarto ko. Nakahiga pa rin siya. Agad akong lumapit at ginising siya.

Nang magising siya eh nakakunot ang noo niya.

"Bakit nakatayo ka na?"

"Kasi may paa ako?"

Inirapan niya ako.

"Pilosopo ka gurl. I mean bat ka nakakatayo na di na ba masakit?" Tanong niya.

"Masakit pa din pero Kaya ko naman na kaya Keri ko na."

Napatango tango siya. Nang maalala ko yung niluto ko.

"At nga pala may niluto ako sa kusina Tara Kain na tayo!"

"Nagluto ka?" Seryosong tanong niya

Tumango ako nakakakaba naman tong baklang to.

"Bat ka nagluto?"

"Para kakain tayo Alam ko kasing pagod kaya bilang bayad eh nilutuan Kita"

"Humingi ba ko ng bayad?"

"Sige na sorry na!"

Pagsuko ko. Sumimangot ako siya na nga tong nilutuan siya pa tong galit. Buysit!

"I'm sorry ayoko lang naman na mapagod ka sorry na bakla okay? Sorry na?"

Tumango ako. Ang rupok ko!

-
Kumain na kami. Nagtatarayan,nagaasaran at naglalambingan!

Hahahaha harot mga teh!

Tawa ako ng tawa sa kaniya kasi kanina ko pa siya inaasar.

Nang mapaisip ako. Bat Niya ba ako inalagaan? Meron na ba? Meron na ba akong pagasa sa kaniy?

"Gusto mo na rin ba ako?"

Mga katagang lumabas sa bibig ko.

Ayaw ko man pero di ko napigilan.

Written by:CarlaJade

My Gay Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon