Kabanata 10

682 24 1
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

Umalis na ang doctor hindi ko matanggap ang sinabi niya hindi yon totoo. Nagsisinungaling siya.

Umiyak ako. Hindi ko Kaya.

May yumakap sakin tumingala ako at nakita ko si bakla. Mas Lalo akong napahagulgol.

Ang sakit sobra! Pero andito si bakla andito siya,andito siya at sasamahan niya ako.

-
Nagising ako na mabigat ang ulo tumingin ako sa paligid at nakita kong madilim na.

Napatingin naman ako Kay bakla na kasalukuyang naghahanda ng pagkain.

"Oh gising ka na pala"

"Anong ginagawa mo dito baka hanapin ka sa inyo?"

"Nagpaalam ako."

"Paano mo nalamang andito ako?"

"Pauwi na kasi ako ng makita kong may dalang bag ang kuya mo akala ko maglalayas siya yun pala pupunta siya sa hospital dahil nakaconfine daw Ang mama niyo. Sabi ko pupunta ako. Sabi niya pwede daw bang pakidala Ang bag. Pakisamahan ka na rin daw. Agad akong umuwi sa bahay. Nagbihis at nagpaalam. Papasok na Sana ako ng marinig ko ang sinabi ng doctor" mahabang litantiya Niya.

"Salamat bakla" sincere kong sabi.

"Wala yun bakla. Sige na kumain ka na. Kanina ka pa natutulog"

Tumango ako at nagsimula ng kumain.

"So ano bang nangyari bakla?"

"Naglaslas si mama saktong sa pulsuhan niya ito nahiwa. Akala namin tulog lang siya pero pagpasok ni kuya nakahandusay siya. Agad namin siyang dinala sa hospital. Mabuti nga at nagamot agad eh. Pero 60-40 daw ang chances at Sana makaya to ni mama"

Niyakap Niya ako at napangiti ako.

-
Ilang linggo na ring nakaconfine si mama. Pumapasok na ko sa school. Si kuya ang naiiwan kaya naawa ako sa kaniya kasi bantay Kay mama tapos papasok sa trabaho. Wala siyang tulog Kaya tuwing sabado eh pinapatulog ko siya. Baka kasi bumagsak Ang katawan ni kuya at siya naman Ang magkasakit.

Ganon pa rin Ang lagay ni mama at walang pagbabago hindi ko to Kaya pero salamat Kay bakla. Dahil hindi niya ako iniwan. Pagkagaling sa school agad siyang sasama sakin.

Uuwi siya bandang mga 7:00 pero sinigurado niya na nakakain na ko.

At nagpapasalamat ako doon kasi Hindi Niya ako iniwan.

At totoong naappreciate ko yon.

Si kuya naman eh 12:00 ang uwi siya muna Ang nagbabantay. Gigising ako ng 5:00 at papatulugin ko naman siya.
Hanggat maari inaagahan ko mga 4:30 gising na ko. Matutulog siya hanggang 9:00 at ako naman ay papasok sa school paulit ulit na ganon.

Hay.

Sana talaga gumaling na siya.

A/n: Wala akong Alam sa pagdodoctor hula-hula ko lang Yan.

My Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now