36 - Flowers

273 17 2
                                    

Yey! 2nd UPDATE for this week! Hope you enjoy reading this! <3 <3 <3

_______

Tasha’s POV

Maganda nga ba talaga ako?

Ilang gabi (actually dalawa pa lang) ko nang iniisip yung sinabi ni Kevin. Hindi ko nga lang alam kung inaaning lang niya ako. Pero nung sinabi niya kasi… parang ang sincere niya eh.

Ehhhh… ayoko na siyang isipin! Bisitahin ko na nga lang si Nikee sa work niya! Pero mamayang lunch pa siyempre.

Haaays… anong gagawin ko kay Kevin? Nakasira naman siya ng energy o.

DING DONG

Nagring your doorbell. Promise pag si Kevin yan bibigyan ko ng isang malakas na suntok. Hmp! >___<

Hindi nga si Kevin yung nasa labas. Isang delivery boy na may hawak na malaking bouquet ng maliliit sunflowers at kung anu ano pang flowers na bright ang color.

“Thanks!” sinabi ko with a smile.

Kinuha ko yung bulaklak at inihagis sa lamesahan. Fweh, manunuod na lang ako ng TV. :P

After one hour…

DING DONG

Hindi ko lang susuntukin kapag si Kevin yan, with matching flying kick na!

DING DONG DING DONG

Hindi ko kasi kaagad binuksan yung pintuan. Sinubukan ko kasi kung kaya kong pumunta sa pintuan pag naglakad ako ng palikod. Ahihi.

Hindi na naman si Kevin ang nasa pinto. Isa na namang flower delivery boy? Jejemon pa ng isang to ha. XD

Ang hawak naman niyang flowers ngayon ay mga daisy, lily, at orchid. Ang cute naman ng bouquet na ‘to. Kumuha ako ng vase at inilagay dun yung mga flowers pero sa kusina ko ipwinesto para hindi kaagad makita.

Kumuha naman ako ngayon ng magazine at nagbasa dun sa sofa malapit sa pintuan.

Di nga ako nagkamali. After one hour…

DING DONG

Wait lang. Bibilang muna ako ng tatlo bago ko buksan. One two three…

Roses…

Red red roses.

Ang bigla na lang itinulak sa mukha ko!

“Hey!” Sigaw ko.

Tapos tumawa yung delivery boy. Amp! Alam ko kung kanino yung tawang yun. Sayang at di ako nakapagisip kung anong gagawin ko kung si Kevin na ang pupunta dito.

“What are you doing here?”

“Tatambay lang. May pagkain ka ba dyan? Gutom na ako eh.”

Tapos bigla siyang pumasok sa apartment. Muntik na nga akong tumilapon eh.

“Easy lang.” sinabi niya habang yakap yakap niya ako. Inalis ko yung kamay niya nang makatayo na ako ng mabuti. “Oh wait, itong flowers mo nga pala.”

Inirapan ko siya. Kinuha ko yung mga roses at kahit sobrang love na love ko ang super red roses ay itinapon ko yun sa basurahan.

“You’re welcome.” Sinabi niya lang at pumunta sa kusina.

“Wait!” naisigaw ko. Naka-vase nga pala yung ibang flowers dun pero anlalaki ng hakbang niya eh saka niwala namang makikinig san akin yan.

Nang makarating ako sa kusina eh nandun na si Kevin at nagkakalkal sa ref ko. Tsss…

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon