49 - How I Say Sorry

312 15 3
                                    

Tasha’s POV

Siya nga! Si Piolo Pascual nga? Uwaaaaa! Anong ginagawa niya sa stage habang may hawak na microphone?! Tapos naloloka na ako dahil nakangiti siya sa akin!

Uwaaaa…

“Miss Natasha Gomez. Sana mag-enjoy ka.” Sinabi ni Piolo.

Umupo ako sa tanging upuan na nandito ngayon. Nasa gitna pa ng auditorium yung upuan ha. Tapos pumatay na yung mga ilaw.

Tak tak tak.

At nagsimula nang tumugtog yung banda.

“Tasha, you’re beautiful.” Uwaaa. Kikiligin na sana ako pero naalala kong hindi ganun ang boses ni Papa P! Hindi si Piolo ang nagsabi nun kundi si Kevin. Hinanap ko siya pero wala siya. Recorded siguro. “I always thought you were kahit nung una kitang makita.”

Bilisan mo magsalita Kevin. Gusto ko na marinig si Papa P!

“Hindi ko naman talaga binalak mainlove sa’yo. Ang balak ko lang ay ilayo mo yung atensyon mo mula kay Nikee papunta sa akin. The more na nakakasama kita, the more na nakilala kita. And you are the most beautiful, the most real person I’ve ever met.”

Napalitan ang boses ni Kevin ng boses ni Piolo.

(NP: Buckcherry – Sorry)

Oh I had a lot to say was thinking on my time away

I missed you and things weren't the same

Cause everything inside it never comes out right

And when I see you cry it makes me want to die

Una kong nakita si Kevin sa birthday party ni Nikee. Lahat ng babaeng mangitian niya nun ay mukhang hihimatayin na. Pero wala lang siya sa akin dahil parang may nararamdaman na ako kay  Nikee dati.

I'm sorry I'm bad, I'm sorry you're blue, I'm sorry about all things I said to you

And I know I can't take it back

I love how you kiss, I love all your sounds, and baby the way you make my world go round

And I just wanted to say I'm sorry

Nakakainis yung kagwapuhan niya. Parang wala siyang effort magpagwapo dahil kahit sa simpleng suot lang ang litaw na litaw na siya. Pero para sa akin, ang yabang ng dating niya. Lalo nung hinila niya na lang ako bigla para makipagsayaw sa kanya nung Chapter 33.

This time I think I'm to blame it's harder to get through the days

You get older and blame turns to shame

Inis na inis ako sa kanya nun dahil ang dami niayng sinasabi. Nakikialam siya sa buhay ng may buhay. Lalo akong naasar nung sinabi niyang sana magusot na nila Nikee at Mika ang problema nila habang naghihirap ako para lang mapansin ako ni Nikee.

Every single day I think about how we came all this way

The sleepless nights and the tears you cried it's never too late to make it right

Oh yeah sorry!

Yup… pangit talaga ang naging simula namin ni Kevin.

Pinalakpakan ko naman si Piolo nuh. Ang galing galing niya kaya, tapos ang gwapo gwapo pa. Rawr! Gusto kong magpapikchur kaya lang pagkabow niya ay umalis na siya ng stage.

Tumugtog ulit yung banda at muntik na akong mapatili nang makita ko kung sino yung naglakad ulit papunta sa gitna ng stage! Si Juris!!!! Uwaaaaaaaaa!!!

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon