29 - Good Morning ^____^

365 17 5
                                    

Mika’s POV

Nang nakagising ako meron pa rin si Nikee sa tabi ko. Pero nakapulupot na din yung kamay niya sa akin.

“Good morning.” Bati niya. Amp, gising na din pala siya. Ampangit niya pero kinikilig ako. Harhar.

“Umm, good morning.” Bati ko din. “Hindi ka pa babangon? Di ba may work ka pa?”

“Yup. Just give me one more minute.” Tapos niyakap niya ako ng mahigpit. “I hope we can stay this way forever.”

Pagkasabi nun ay tumayo na siya.

Syett… feeling ko ulit may kulang na naman. Mga ilang segundo pa lang ang lumilipas pero gusto ko ulit bumalik sa yakap niya. Bumangon na din ako at pinuntahan si Baby.

 “Good morning baby Gio!” bati ko sa aking super cute na baby na may dalawang ipin na sa harap!

“Ajnfuhi,” as usual, di ko pa rin maintindihan ang mga reply ng batang ‘to.

“Umpfff, cute cute talaga ng baby ko.” Kinuha ko si Gio at pinunasan yung mga laway na tumutulo na naman sa baba niya. Pagkatapos nun ay pinaulanan ko siya ng maraming halik.

Pansin niyo ba? Hyper na hyper kasi ako ngayon. Maganda ang gising eh. XD

Pumunta na kami sa kusina para makapgprepare ng Cerelac.

“Tewjiforgn *clap clap*,” sabi ni baby nang makita niya yung pagkain niya. Haha. Hindi ko ulit mapigilan halikan yung matataba niyang pisngi.

Inaabot abot niya pa yung maliit na bowl niya.

“Maya baby. Excited ka na naman eh.”

“Akin na muna siya,” sinabi ni Nikee na nasa likod ko na pala. Amp, kung makapanggulat naman si kuya, wagas.

Ibinagay ko naman si baby Gio.

“Tong tabachoy na baby na ito. Excited na naman at kakain na naman siya.” Sinabi niya kay Gio.

“Iwfhgvuieh,” reply nung isa. Haha.

“Talaga? Masarap yung ginagawa ni Mommy?”

“Aeyggrfn.”

Waaa??? Nagkakaintindihan sila? Marunong magbaby talk si Nikee? Asus, mga pauso niya.

“Ijhfiuehguhpgpej.”

“Oy Momyy, dalian mo daw. Gutom na ang baby natin.”

“Oo na po, wait lang. Eto na tapos na.”

Umupo kami dun sa may dining table. Hawak hawak pa rin ni Nikee si baby habang sinusubuan ko siya.

“Kain ka na din.” Sabi ko sa kanya. May prinepare na din kasi si Aling Martha na breakfast namin.

“Susubuan mo din ako?”

“Mukha mo. Cerelac, gusto mo?”

“Ah sige, maya saglit. Nag-eenjoy pa ako dito eh. Ako nga magsubo sa kanya.”

Kinuha niya yung baby spoon mula sa akin. Inilapit ko yung bowl sa kanilang dalawa at pinanuod ko lang sila.

Masaya rin pala kung ganito na lang kami palagi. Masaya pala kung hahayaan ko lang ang sarili ko na maging masaya sa piling ni Nikee. Masaya din kaya kung hayaan ko sarili ko na umibig sa kanya?

Kaya lang natatakot pa rin ako. Natatakot ako na kung magmamahal ako uli, masasaktan lang ulit ako.

“Ang sarap magmahal Mika. Umibig ako minsan, at hindi ako takot umibig muli. Gaano man kasakit ang pinagdaanan ko, it’s all worth it because I know na there’s someone out there for me.”

Paano kung tama nga si Kevin? Paano kung yung taong para sa akin ay si Nikee nga?

Nakatingin pa rin ako sa mag-ama ko. Tumatawa silang pareho.

“Hey Nikee.” Tawag ko sa kanya.

“Yep?” Nakangiti pa rin siya at may konting cerelac sa pisngi niya. Naka-amerikana na siya pero parang wala lang sa kanya ang madumihan. Hindi ko mapigilang ngumiti.

“Take care of Gio, okay?”

“I promise.”

“And take care of me too.”

Ngumiti lang siya pero alam kong sa ngiti niyang yun, nangangako siya na gagampanan niya ang responsibilidad niya bilang haligi ng tahanang ito.

Super short chapter po ito. Sorry po. Bawi bawi na lang bukas ng after lunch. T_____T

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon