5 - The Big Day

732 23 7
                                    

Nanginginig ang kamay ko kanina pang umaga. Minemake-upan ako ni Angie Cruz. Magkano kaya binayad nila dito? Si Ogie Rayel naman sa hair ako. Syempre malaki tiwala ko sa mga ito. Hindi lang minsan ko sila nakatrabaho sa Flaunt.

Uwwowww… Ang ganda ko!!! Ilang beses ko na sinabi yan sa sarili ko pero hindi pa rin ako makaget-over.

Ano kaya itsura ng groom ko? Kinakabahan na ako. Pangit yung ama niya, sana sa nanay siya magmana. Alangan naman kasing magpakasal sa pangit din yung ama niya nuh, yaman yaman kaya nila.

Si Tasha ang maid of honor ko. Inaway niya yung wedding planner para lang dun.

“Ow-em-gee bestyyyyy. Ang ganda mo!” Sinabi niya.

I know right? Ayoko na munang magsalita at baka paghahampasin ako ni Angie ng brush. Madungisan pa ang perpektong kagandahan ko ngayon.

Nakita kong pumasok sa kwarto si Dad. Nakangiti siya pero mukhang malungkot yung mukha niya. Hindi ko maipinta eh.

“My baby…” Mahina niyang sinabi. “My baby is getting married.”

“Dad! Shut up! You’ll make me cry then masisira make-up ko!”

“Okay lang yan. Waterproof naman lahat nang gamit ko.” Sabi ni Ate Angie.

Edi you na! Ako rin noh, meron akong waterproof mascara, eyeliner, blush on, lipstick, ano pa ba?

Maya maya ay sumakay na kami ng limo na magdadala sa akin sa church. Hawak hawak ng gloved kong kamay si Tasha. Hindi kami nagsasalita. Feel ko talaga mas kinakabahan siya kesa sa akin eh?

Nakita ko na ang outline ng chapel. Sobrang lakiii. Edi… madaming guests?! Naiimagine ko nang maraming executives dito sa malalaking businesses. Huhuhu… Paano na lang kapag may ginawa akong kapalpakan? Sisiguraduhin ni Mr. Servilla na sira image ko sa lahat. DI na ako makakakuha ng magandang trabaho, magkakatulong na lang ako. Huhuhu…

Teka… ano ba pinag-iisip ko? Ang ganda ko namang katulog pag ganun?!

Takte. Ayan na. Tumigil na ang sasakyan. Bakit ba kasi ang bilis bilis ng driver magpatakbo? Okay naman na yung 5 kilometers per hour sa akin ah? Nagdasal ako.

“Tadhana, sana gawin mo namang matino yung itsura ng mapapangasawa ko ngayon. Seryoso, kapag hindi mo nagawa yun, tatakbo ako. Tatawagin ako ng lahat na Runaway Bride. Bibili ako ng mga wig tapos mga damit na di ko karaniwang sinusuot. Mag-aapply akong katulong sa bahay nila Josh Hutcherson tapos aakitin ko siya tapos magiging maligaya kami. Ipaglalaban niya ako sa lahat kahit katulong lang ako. Tapos magkakababy kami at we’ll live happily ever after. Uwaaaaa. T_T

Naglakad na yung mga flower girls, ewan, basta yung mga bata. Ang cute nilang tignan. Wait? Si Momay ata yun a? Yung artista ha, hindi yung multo. Eh basta! Kinakabahan ako!

Naglakad na rin yung mga groom’s men at bridesmaids. Ang gaganda nila, model ng Avon yung isa dun ah. Shut up Mika. Madami ka masyadong alam.

Ayan na, ayan na. Naririnig ko na ang tugtog. Sinenyasan nila ako na lumakad na. Hawak ni Dad yung isa kong kamay, tapos si Tita Melody (aunty at ninang ko) naman sa isa.

Mabagal akong naglakad. Mga two inches siguro pero step ang progreso namin. Nakikita ko na yung outline ng groom.

Excited na takot yung dibdib ko sa makikita ko. I have a bad feeling about this.

Nakasuot siya ng gray na tuxedo at styled yung malago niyang buhok pero di ko pa rin makita mukha niya.

Ayan na… malapit na…

3

2

1

Da pak?!

I’m marrying Shrek.

Waaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Yung sunod kong nakita ay puro itim. Patay na ba ako? Good. I’d rather be dead than get married to that monster.

 Next update sa Friday. ^_^ Wala na akong gagawin sa buhay ko, nyahahaha. Bakasyon na kasi namin kaya chillax chillax muna. XDDDD

Maikli lang ang update na ito pero mabilis bilis na ang mga updates ko. ^_^V

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon