43 - Help!!! 2

227 16 5
                                    

NIKEE!!!!!!!! HELP ME!!!!!!!!

Pero syempre hindi niya maririnig yan diba? Kasi nga may panyo na silang nilagay sa loob ng bunganga ko at natakpan na rin ang mata ko at hindi ko na tuloy makita kung saan papunta tong sasakyan na to. Nahalata kaya ni Nikee na wala na ako dun???

Oh my gosh, I can’t breathe! Masyado atang malaki itong nilagay nilang pambara sa lalamunan ko!

“Hey! Get this thing off my mouth!” Sigaw ko dun sa isang kidnapper. Pero nung lumabas eh, “Ijcfdgbdgb!”

Inalis naman nung isa yung nasa bunganga ko.

“What do you want from me? My husband will pay you!” Sigaw ko sa kanila.

“Tumahimik ka na nga miss. O baka gusto mong ibalik ko to sa bunganga mo?”

Natahimik ako. Walang nagagawang mabuti ang pag-iingay ng amsyado at baka kung ano pa mangyari sa beautiful face ko.

KRING KRING…

“Hello boss.” Sinabi nung isa. “Opo boss. Sige po.”

Uwaaa… so deliberate talaga na ako yung kinidnap?! May kalaban ba si Dad o kaya si nikee na ganun kadesperate at kailangan pang ako yung makidnap? Bat di na lang sila?!

Pero buti na lang hindi sila yung tipo ng mga kidnapper na madaldal at itthreaten na irarape ako. As if gusto kong ma-rape! No way, they will have to kill me first!

“Who’s your boss?” Tanong ko. Mabait tono ko dun ha.

“Makikilala mo rin.”

Tapos nagsitawanan sila. Ehh??? Anong nakakatawa sa sinabi niya. Pero may point siya ha.

Maya maya ay huminto na yung sasakyan. Nakakainis kasi wala akong makita. Ni hindi ko nga alam kung ilan ang kidnappers ko eh. Kahit todo alalay sila sa akin ay feeling ko madadapa ako o kaya mahuhulog. Naglakad kami konti tapos bigla akong binuhat nung isa.

Nang ibinaba niya ako ay muntik na akong matumba dahil medyo gumegewang gewang yung kinatatayuan ko.

“Tumayo ka lang jan.” Utos nung isa. “Kapag gumalaw ka ay babarilin ka namin.”

GULP. Baril? Baril agad?! Eh paano ako hindi makakagalaw eh medyo gumegewang gewang pa itong kinatatayuan ko.

May humawak sa braso ko para hindi ako matumba tapos tumaas na tong kinatatayuan ko. TUMAAS!

“Hey, nasan na ba ako please???”

Walang sumagot. Siguro nasa lumang building kami at tumataas na kami kung saang floor man yun. Ang tagal ng elevator. Huhuhu. Siguro sa pinakamataas kami na floor kasi kanina pa umaangat eh.

Bigla na lang nagsimulang tumulo yung luha ko sa sobrang kaba. Tapos sinabi pa nilang babarilin nila ako pag gumalaw ako. Tapos hindi ko alam kung balak ba akong irape nitong nakayakap sa akin. Tapos baka bukas bangkay na nga talaga ako.

T____T

“Please. I feel dizzy.” Sinabi ko. Sana hindi magalit ang kidnapper ko.

Dahan dahang naalis yung mga kamay na nakatakip sa mata ko. Noong una ay wala akong makita kasi nag-aadjust pa ang eyes ko.

“Oh. My. God.” Nasabi ko. Nakikita ko ang ilaw ng mga bahay at mabababang buildings. Kaya pala ang lakas ng hangin at sobrang lamig.

I’m not in an elevator. I’m in a freaking hot air balloon!

Mas lalo akong naiyak. Balak ba nila akong itapon mula dito?!

“Please stop crying.”

Oh. My. God. (Ulit? Paulit uli?!)

I know that voice. I hear that voice everyday. Dahan dahan akong humarap sa kidnapper ko. Please, wag sana siya…

“NIKEE?!” Umurong na talaga ang luha ko.

“I just wanted to surprise you…”

“And you think the best way to surprise me is have me kidnapped?! Alam mo bang halos mamatay matay na ako sa kaba? I kept thinking na baka the next time people saw me is malamig na bangkay na ako?! Do you know what I have just gone through?!”

“Nainis kasi ako na hindi mo maalala na anniversary natin ngayon pero promise, babawi talaga ako.”

Natahimik ako. Anniversary namin ngayon?! Yun pala ang gusto niyang ipaalala sa akin simula pa kaninang umaga. Yun pala ang dahilan kung bakit siya nagbake ng cake, nagpadala ng sangkatutak na flowers sa isip ko at isakay ako dito sa isang hot air balloon.

Lahat ng galit ko sa kanya ay nawala.

“I’m sorry for not remembering.” Napaiyak ulit ako. Feeling ko ang sama sama kong tao. Hindi ko man lang naalala na anniversary namin ngayon. Ni hindi ko nga maalala kung anong date kami ikinasal eh!

Niyakap niya ako. “It’s okay Mika. And I’m sorry for having you kidnapped.”

“Ayan, quits na tayo. Don’t ever do that again, ha? Baka next time atakihin na ako sa puso. You can surprise me in other ways.”

“I promise.”

Napangiti na ako at sabay kaming nanuod nang tanawin. Nakayakap pa rin siya sa akin kaya hindi ko maramdaman yung lamig.

It’s just me and him, hundreds of feet above the ground. We are on top of the world.

“Baba na tayo?” Sinabi niya after one hour. One hour din kaming nandito, hindi nag-uusap pero no more awkward moments for both of us.

“Sure.”

Inalis niya yung yakap niya. Gusto kong magreklamo kasi ayaw kong alisin yung kamay niya sa pagkakayakap. Haaays… kailangan eh.

May pinaikot siyang something sa taas at nagsimula nang bumaba yung balloon. Hinawakan niya yung kamay ko habang pababa. After a few minutes ay huminto na. Nandito na ulit kami sa lupa.

Nauna siyang bumaba.  Tapos binuhat ulit niya ako at nakalabas na din ako sa basket.

Nagulat ulit ako dahil nasa gitna pala kami ng isang soccer field. Nakasindi ang lahat ng ilaw at sa gitna ay may isang table. May vase ng roses sa gitna at nakatakip ang kung anumang dishes ang nandun. At ang pinakabongga ay may waiter na naghihintay!

Paano kayo kung namintis si Nikee at dun lumanding sa table yung balloon? XD

Idinala niya na ako dun. Syempre, pagentleman siya ngayon kaya hinila niya muna yung chair ko bago ako naupo. Tapos naupo na din siya.

Inalis na nung isang guy yung cover ng mga pagkain. Voila! Roasted chicken. Yum yum! Binuhusan niya ng wine yung mga glass namin ni Nikee.

Tapos humati siya sa chicken at binigay sa akin yung isang portion. Ganun din yung ginawa niya kay Nikee.

“Bon apetit.” Sinabi niya at tumayo ulit ng diretso.

“This is so nice. The food is lovely.” Sinabi ko.

Ngumiti lang si Nikee.

It was a wonderful evening. Sige, kahit idagdag mo yung part na kunwari ay kinidnap ako. Nikee is a sweet guy, aaminin ko yun. If I stay with him, I know I’m gonna have more surprises in the future.

Masaya ako habang kasama siya. Kulang na lang ay sumabog ang puso ko sa sobrang saya.

Habang pinapanuod ko siyang matulog, ang tumatakbo sa isip ko ay yung sinabi ng Dad niya. Nine years na lang at pwede na kaming maghiwalay. That was the deal we made.

F*ck the deal.

I’m willing to stay with this guy forever.

At bago ako natulog, I kissed him again on the lips. Tomorrow, I’m going to wake up in Nikee’s arms.  

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon