30 - Bad Girl

365 20 6
                                    

Second update this weekend. Proud of myself! Haha. <3

_____________________________________________

Tasha’s POV

Lalalalala… lalalala… ancharap charap kumanta, lalo na kung happy ka. Ahihi.

Kanina kasi, nalaman ko na may photoshoot akong pupuntuhan. Yung shoot na yun ay para sa isang ad, at yung ad na yun ay para isang company. At yung company na yun ay kanila Nikee. Si Nikee daw ang nagrecommend sa akin. Ahihi.

^____^

Malapit lang sa mismong building nila Nikee ang site ng shoot kaya kung hindi man siya pumunta, ako mismo ang pupunta sa kanya.

Baka isipin niyo masama akong kaibigan ha? Nope,I’m just helping my bestfriend. Naalala niyo dati, sa Chapter 9 (dun sa malapit sa huling part), nangako ako kay Mika na tutulungan ko siya para maghiwalay na nga silang dalawa. And a promise is a promise.

Lately kasi, kahit ibang lalake ang kasama ko, kay Nikee lumilipad yung lecheng brain ko. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, para I want him in my life. Hindi naman siya mahal ni Mika eh kaya kung sa akin siya napunta, bibigyan ko siya ng todo-todong pagmamahal.

So the plan commence. Ehhh, para wala akong plano eh! Basta follow your heart na lang.

Yey!!! Lunch na, amp, anchaket chaket ng likod ko. I need some Salonpas. Ahihi.

Dinalian ko ang pagpunta sa building nila Nikee at baka abutan ko pa siya. Aayain ko kasi siya maglunch eh.

^___^

Okay… 8th floor, yung office niya ay malapit lang…

Ayun, dito!

Pumasok ako sa pintuan. Infernez, siya lang ang hindi see through ang pintuan dito. Bakit kaya ginawang transparent halos lahat ng pintuan dito? Para hindi gumawa ng mga bagay na hindi kaaya aya ang mga nagtratrabaho dito?

Eh bakit si Nikee, wood naman yung door niya? Harhar, naughty boy. Pero choz, joke ko lang yun syempre.

KNOCK KNOCK.

Kumatok na ako sa pintuan niya.

“Umm, excuse me ma’am.” May isang babaeng biglang nag-appear sa likod ko.

“Yes?”

“Do you have an appointment with Mr. Servilla?”

“Nope. But tell him I’m here.”

“What’s your name ma’am?”

“Tasha. Natasha Gomez.” Nakakainis naman ang babaeng ito. Nandito na nga ako sa tapat ng office ni Nikee eh, hindi pa ako padidiretsuhin.

Nang binuksan niya yung door ay dali dali akong sumunod. Screw her. Ahihi.

“Ay, ma’am. Bawal p-

“Tasha?” Nandun si Nikee nakaupo at kanina’y may tinatype na kung anu-ano dun sa laptop niya.

“Hi Nikee! Do you wanna have lunch? Diyan lang sa tapat yung shoot eh.”

“Yeah, I know.” Tinignan niya yung relo niyo. “But I have a meeting at 1.30 so, I don’t think I should go out.”

“Let’s order na lang nuh!”

“Oh. Okay.”

“Hey you.” Tawag ko dun sa secretary niya. “Order lunch for me and your boss.”

Tumingin muna siya kay Nikee. Si Nikee naman ay tumango na lang.

“What do you want me to order ma’am.”

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon